Skip to main content

Kampanya

Early Connections logo

Early Connections

Mother and child playing on a slide in a park

Mga Mapagkukunan para sa Iyong Anak

Nag-aalok kami ng iba’t ibang libreng mapagkukunan upang suportahan ka sa pagsubaybay sa mahahalagang yugto sa unang yugto ng pagkabata ng iyong anak, pag-access sa mga pag-screening sa pag-unlad, at pagkonekta sa mga tagapag-ugnay ng pangangalaga na makakagabay sa iyo sa proseso. Ang mga pamilyang may mga anak na nasa edad na 0 hanggang 3 ay maaari ring samantalahin ang alming mga libreng playgroup para sa pag-unlad.

Mga Serbisyo

Sentralisadong Punto ng Pag-access (Centralized Access Point)

Magsimila sa Early Connections

Ang Sentralisadong Punto ng Pag-access (Centralized Access Point, CAP) ay ang iyong unang hakbang sa paghingi ng tulong sa pamamagitan ng Early Connections. Diringgin ng mga tagapag-ugnay ng panayam ng CAP ang mga pangangailangan ng iyong anak at tutulungan kang maghanap ng mga tamang serbisyo. Hindi mo kailangang tahakin ito nang mag-isa.

Email: earlyconnections@supportforfamilies.org

Telepono (hindi kailangan ang referral): 415-920-5040

Mahahalagang yugto at mga pag-screening

Subaybayan ang paglaki ng iyong anak

Nag-aalok kami ng mga mapagkukunan upang matulungan kang masubaybayan ang mahahalagang yugto sa unang yugto ng pagkabata at pag-access sa mga pag-screening sa pag-unlad ng iyong anak.

Ipinapaalam sa iyo ng mahahalagang yugto kung paano kumikilos, naglalaro, at nagsasalita ang mga bata sa mga partikular na edad.

Ang mga pag-screening ay madali at kasiya-siya, at makakapagsabi sa iyo kung naaayon sa kanyang edad ang pag-unlad ng iyong anak.

Tingnan kung naaabot ng iyong anak ang kanyang mahahalagang yugto

Mga playgroup sa pag-unlad

Mga libreng playgroup para sa mga batang nasa edad na 0 hanggang 3

Nag-aalok kami ng mga libreng playgroup sa pag-unlad para sa mga batang nasa edad na 0 hanggang 3.

Nakakatulong ang mga playgroup sa mga batang umunlad ang komunikasyon, motor, pakikisalamuha-emosyonal, at kasanayang kognitibo sa pamamagitan ng mga nakaka-enganyong aktibidad.

Ang bawat playgroup ay may katangi-tanging pokus upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga pamilya.

Maghanap ng mga libreng playgroup sa pag-unlad

Kilalanin ang Early Connections

Ang Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata ay nag-aalok ng mga libreng pag-screening sa pag-unlad, pati na rin ng mga koneksyon sa mga lokal na serbisyo ng maagang interbensyon para sa mga batang nangangailangan nito.

Tungkol sa

Sa pakikipagtulungan sa mga pinagkakatuwalaang organisasyong pangkomunidad, inihahandog ng Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata (Department of Early Childhood) sa San Francisco ang Early Connections—libreng inisyatibang idinisenyo upang suportahan ang mga pamilya sa bawat hakbang na tinatahak ng kanilang anak sa pag-unlad.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan