Skip to main content

Ahensya

Department of Early Childhood tangram logo

Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata (Department of Early Childhood)

Maghanap ng libre at murang pangangalaga sa bata at preschool, suporta sa pagiging magulang, mga playgroup, pag-screening sa pag-unlad, at mapagkukunan para sa kagalingan para sa mga sanggol, paslit, at maliliit na bata.

Child care worker playing with kids

Pagdurugtong-dugtong ng mga piraso upang umunlad ang mga bata

Karamihan sa mga pamilya sa San Francisco ay kwalipikado para sa libre o mas murang matrikula para sa child care at preschool sa pamamagitanng inisyatibang Learning For All (Maagang Pag-aaral para sa Lahat) ng Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata (Department of Early Childhood, DEC). Ang pagiging karapat-dapat ay nakadepende sa kita at laki ng pamilya.Maghanap ng libre o murang pangangalaga sa bata at preschool sa San Francisco

NAKARAANG CALENDAR

Mga Serbisyo

Para sa mga magulang at tagapagbigay ng pangangalaga

Makakuha ng libre o murang child care at preschool sa San Francisco
Karamihan sa mga pamilya ng San Francisco ay kwalipikado para sa libre o mas mababang matrikula para sa pangangalaga sa bata at preschool sa pamamagitan ng network ng Early Learning For All (Maagang Pag-aaral para sa Lahat). Tingnan kung ikaw ay karapat-dapat.
Makakuha ng suporta sa pagiging magulang, mga sagot, at koneksyon sa Family Resource Center na malapit sa iyo
Kinokonekta ng mga Family Resource Center ang mga pamilya sa mahahalagang mapagkukunan, klase at grupo ng edukasyon ng magulang, at nagtatagal na suporta. Maghanap ng FRC na malapit sa iyo.
Alamin pa ang tungkol sa pag-unlad ng iyong anak at subaybayan ang mahahalagang yugto habang siya ay lumalaki.
Nag-aalok kami ng mga mapagkukunan upang matulungan kang masubaybayan ang mahahalagang yugto sa unang yugto ng pagkabata at pag-access sa mga pag-screening sa pag-unlad ng iyong anak.
Maghanapp ng mga libreng grupo sa pag-unlad at pagkatuto para sa mga batang nasa edad na 0 hanggang 3
Ang mga playgroup sa pag-unlad ay nakakatulong sa mga batang bumuo ng mga kasanayan sa komunikasyon, pagkilos, pakikisalamuha-emosyonal, at kognitibo sa pamamagitan ng mga kasiya-siya at hands-on na aktibidad. Ang mga grupong ito ay magandang opsyon para sa mga pamilya na may mga katanungan tungkol sa pag-unlad ng kanilang anak.
Tumanggap ng libreng aklat bawat buwan mula sa Imagination Library
Ang Imagination Library ni Dolly Parton ay isang napakagandang programang nakatuon sa pagbibigay ng inspirasyon sa panghabang-buhay na pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng pamimigay ng mga aklat sa mga bata. Sa oras na mag-enroll, tatanggap ang mga bata ng aklat na libre at naaangkop sa edad kada buwan hanggang sa kanyang ika-5 kaarawan.
Maghanap ng mga nalalapit na kaganapan para sa pamilya
Mayrong mga Family Resource Center (mga FRC) sa buong San Francisco! Ang mga FRC ay nag-aalok ng mga playgroup at klase. Mayroon din silang mga sumusuportang grupo at marami pa. Tumingin sa kalendaryo upang maghanap ng mga kaganapan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Smiling child

Pagbuo ng Mas Matatag na Sistema para sa Bawat Bata: Tuklasin ang Taunang Ulat ng Epekto ng DEC sa 2025

Ipinagmamalaki ng Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata (Department of Early Childhood) ng San Francisco na ibahagi ang aming Taunang Ulat ng Epekto sa FY 2024-25. Noong nakaraang taon, nakita natin ang tuloy-tuloy at makabuluhang pag-unlad sa buong sistema sa unang yugto ng pagkabata sa San Francisco, salamat sa dedikasyon ng mga pamilya, tagapagturo, at katuwang sa komunidad...I-download ang ulat at magbasa pa>>Ulat ng epekto sa 2025

Tungkol sa

Bilang pinakamalaking tagapagbigay ng pondo ng Lungsod para sa unang yugto ng pagkabata, nakatuon ang DEC sa paglikha ng sistemang nagtitiyak na ang bawat bata ay puwedeng umunlad at matuto. Kami ay nagbibigay ng pampublikong pamumuhunan, kadalubhasaan, at pamumuno upang ilagay ang mga mapagkukunan sa kamay ng mga nangangalaga para sa pinakamaliliit na bata sa ating Lungsod.

Matuto pa tungkol sa amin

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Address

Department of Early Childhood1650 Mission Street
Suite 312
San Francisco, CA 94103
Kumuha ng mga direksyon
Lunes hanggang
Martes hanggang
Miyerkules hanggang
Huwebes hanggang
Biyernes hanggang

Telepono

Social media

Humiling ng mga pampublikong rekord

Magsumite ng mga kahilingan para sa Departamento para sa Unang Yugto ng Pagkabata (Department of Early Childhood).