PAHINA NG IMPORMASYON

Malamig na panahon

Kapag napakalamig, at kailangang nasa labas ka, siguraduhing mag-bundle (mag damit ng patong-patong) at magbihis nang naaangkop sa lagay ng panahon.

Huwag kalimutang dalhin ang mga alagang hayop sa loob para sila ay ligtas sa mga elemento. Kung may nakita kang isang taong nangangailangan ng masisilungan, mangyaring tumawag sa 3-1-1. Kung may isang taong nagkakaroon ng medikal na emerhensya, tumawag sa 9-1-1.

Bago ang malamig na panahon

  • Suriin ang mga pagtataya ng panahon sa weather.gov/mtr
  • Maghanda para sa mga pagkawala ng kuryente sa pamamagitan ng paggawa ng planong pang-emerhensya at pangangalap ng mga kumot, damit na pang malamig na panahon, flashlight, at hindi nabubulok na pagkain.
  • Tiyaking gumagana ang mga smoke detector at carbon monoxide detector. Maglagay ng carbon monoxide alarm sa mga pangunahing lokasyon at sa labas ng mga lugar na tulugan.

Sa malamig na panahon

  • Magsuot ng damit nang sapin-sapin, sumbrero, guwantes, at scarf upang maprotektahan ang iyong mukha at leeg.
  • Manatili sa loob ng bahay kung maaari. Panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto at gumamit ng mga kumot o kurtina upang mabigyan ng insulasyon ang mga bintana.
  • Gamitin sa ligtas na paraan ang mga kasangkapang pampainit (heater).
  • Huwag na huwag gumamit ng kandila, mga generator, mga grill, o mga kalan para mapainit ang loob ng bahay.
  • Panatilihin ang mga space heater nang hindi bababa sa 3 talampakan mula sa anumang bagay na nasusunog at huwag kailanman iiwan ang mga ito nang walang nagbabantay.
  • Kung gagamit ng fireplace, tiyaking ganap na napatay ang mga baga bago umalis o matulog.
  • Iwasan ang mawalan ng init sa loob ng iyong tahanan kapag kaya mo. Isara ang mga hindi ginagamit na kwarto, maglagay ng mga tuwalya sa ilalim ng mga pinto, at bawasan ang mga pagbubukas ng pinto.
  • Kumustahin ang matatanda at ang mga may kapansanan upang matiyak na sila ay ligtas at hindi nilalamig.

Kung paano makikilala ang sa mga karamdaman dulot ng lamig

  • Ang hypothermia ay nangyayari kapag ang temperatura ng katawan ay bumaba nang masyadong mababa. Kasama sa mga sintomas ang panginginig, pagkalito, malabo na pagsasalita, at antok. Kung pinaghihinalaan mo ang hypothermia, agad na humingi ng medikal na atensyon at unti-unting painitin ang pakiramdam ng indibidwal, na nakatuon sa gitnang bahagi ng katawan.
  • Maaaring mangyari ang frostbite sa nagyeyelong temperatura, na nakakaapekto sa nakalantad na balat. Kasama sa mga sintomas ang pamamanhid, pag-iiba ng kulay, at teksturang parang wax. Lumipat sa isang mainit na lugar at humingi ng medikal na tulong.
  • Maaaring mangyari ang dehydration sa malamig na panahon habang bumababa ang pagtugon sa pagkauhaw ng katawan. Uminom ng maraming tubig, kahit hindi ka nauuhaw.

Mga Mapagkukunan ng tulong sa Komunidad

  • Mga Shelter na Pang-emerhensya: Kung may nakita kang isang taong nangangailangan ng masisilungan, tumawag sa 3-1-1. Nagbibigay ang San Francisco ng karagdagang tulong sa mga indibidwal na walang tirahan sa malamig na panahon.
  • Mga Public Warming Center: Ang mga aklatan, sentro ng libangan, at iba pang pampublikong gusali ay maaaring magsilbi bilang maa-access ng publiko na mga mainit na espasyo sa panahon ng matinding lamig.

Mag-sign up para sa AlertSF upang makatanggap ng mahahalagang update bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga emerhensya.

I-text ang iyong ZIP Code sa 888-777 o mag-sign up sa AlertSF.org.

Alamin pa

Tungkol Dito

ReadySF logo

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Namamahala ang DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.

Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky

Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.