KAMPANYA

ilustrasyon ng isang mapusyaw na asul na pahabang tableta sa isang kulay abong bilog

Tungkol sa PrEP bilang tableta: araw-araw

San Francisco City Clinic

Pinipigilan ng PrEP ang HIV

Mayroong dalawang uri ng tableta

  • Sa pag-inom ng PrEP bilang pang-araw-araw na tableta, mayroon kang 2 opsyon: Truvada o Descovy.
  • Magrerekomenda ang iyong provider ng isa batay sa iyong medikal na kasaysayan at sa anong coverage ka kwalipikado.

Kailan pumuprotekta ang pang-araw-araw na PrEP

  • Ang pag-inom ng PrEP bilang pang-araw-araw na tableta ay pumuprotekta sa iyo sa HIV kapag gumagawa ng anumang uri ng pakikipagtalik.
  • Kung gumagamit ka ng Truvada, protektado ka rin sa HIV kapag nagtuturok ng mga droga. Hindi napag-aralan ang Descovy para sa proteksyon kapag nagtuturok ng mga droga.

Gumagana ang pang-araw-araw na PrEP para sa lahat ng kasarian

  • Ang pag-inom ng 1 tableta ng PrEP araw-araw ay gumagana para sa lahat ng kasarian. Pinoprotektahan ka nito laban sa HIV anumang bahagi ng katawan ang ginagamit mo para sa pakikitalik.
  • Maaari mong inumin ang PrEP kahit kung umiinom ka ng alkohol, gumagamit ng droga, gumagamit ng hormones, o gumagamit ng birth control.

Paano inumin ang PrEP bilang pang-araw-araw na tableta

1 tableta bawat araw

  • Uminom ng 1 tableta araw-araw. Nagbibigay ito ng pinakamahusay na proteksyon.

Kailan nagsisimula ang proteksyon

  • Kapag sinisimulan ang PrEP, inaabot ng ilang panahon para maipon ang gamot sa iyong katawan. Nagsisimula ang proteksyon sa magkakaibang oras batay sa uri ng proteksyon na kailangan mo:
    • Pakikipagtalik gamit ang ari ng lalaki o puwit: hanggang 1 linggo (kung gumagamit ng Truvada at umiinom ka kaagad ng 2 tableta sa unang araw, magsisimula ang proteksyon 2 oras pagkatapos)
    • Pakikipagtalik gamit ang ari ng babae/harapang butas: hanggang 1 linggo
    • Kapag nagtuturok ng mga droga: hanggang 1 linggo

Paano aalalahaning inumin ang tableta

Narito ang ilang paraan upang matulungan ang sarili mong maalala:

  • Subukang inumin ang tableta sa parehong oras bawat araw.
  • Magtakda ng mga paalala sa pag-inom ng tableta sa iyong telepono.
  • Isaalang-alang ang pagdala ng tableta kung mauubusan ka.

Nakaligtaan ang isang dosis?

  • Inumin lamang ito kapag naalala mo. Kung oras na para sa susunod na dosis, inumin lamang ang susunod na dosis na iyon.
  • Kung mayroon ang mga katanungan tungkol sa muling pagsisimula ng mga tabletang PrEP pagkatapos tumigil, tawagan ang iyong provider.

Mga posibleng side effect

  • Ang ibang tao ay nakakaranas ng kabag, pagkahilo, o pananakit ng ulo. Nawawala ang mga sintomas na ito sa loob ng unang buwan para sa karamihan sa mga tao.
  • Ang ilang gamot na PrEP ay maaaring magdulot ng maliliit na pagbabago sa paggana ng bato at densidad ng mineral sa buto, o maliliit na pagbabago sa mga lipit (iyon ay, kolesterol).

Pagpapanatili ng suplay ng iyong tableta

  • Hindi laging awtomatiko ang mga refill. Kontakin ang iyong parmasya kapag 7 na lamang ang iyong natitirang tableta upang hindi ka maubusan.
  • Bago bumiyahe, ipaalam sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan at parmasya na maaaring kailanganin mo ang karagdagang refill.

Gastos

  • Ang PrEP bilang tableta ay libre para sa karamihan sa mga tao.
  • Kung mayroon kang mga babayaran para sa gamot na PrEP, maaaring makatulong ang mga programang tulong na sagutini ang mga ito.
  • Para sa tulong, makipag-ugnayan sa City Clinic PrEP line sa 628-217-6692.

Pagsusuri ng laboratoryo

  • Bago simulan ang PrEP, makukuha mo ang mga pagsusuri para sa HIV, mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik (mga STI), paggana ng bato, at hepatitis B at C.
  • Kapag umiinom ng PrEP, regular kang susuriin para sa HIV at mga STI. Regular ding susuriin din ang paggana ng iyong bato at/o lipid, depende sa kung anong tableta ang iniinom mo.

Paglipat sa o pag-inom ng PrEP

Paglipat sa uri ng iyong PrEP o pagtigil sa PrEP

  • Kung gusto mong tumigil sa pag-inom ng pang-araw-araw na PrEP, makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iba pang mga opsyon upang maiwasan ang HIV. Maaari kang lumipat sa pag-inom ng mga tabletang PrEP sa iskedyul ng 2-1-1 o pag-inom ng PrEP bilang bakuna, o puwede kang gumamit ng condom.
  • Kung ganap na ititigil ang PrEP, uminom ng kahit sapat na pang-araw-araw na dosis pagkatapos ng iyong huling pakikipagtalik upang maprotektahan sa HIV:
    • Pakikipagtalik gamit ang ari ng lalaki o puwit: 2 pang-araw-araw na dosis
    • Pakikipagtalik gamit ang ari ng babae/harapang butas: 7 pang-araw-araw na dosis

Kung ikaw ay nakipagtalik nang walang condom habang hindi gumagamit ng PrEP

  • Tawagan ang iyong provider sa loob ng 72 oras para sa PEP.
  • Magpasuri para sa HIV sa lalong madaling panahon kapag muling sinisimulan ang PrEP. Natutulungan ka nitong matiyak ang iyong HIV status pagkatapos tumigil sa pag-inom ng PrEP. Ang PrEP ay inirerekomenda lamang para sa mga taong negatibo sa HIV.
City Clinic logo stating "San Francisco City Clinic a landmark in prevention"

Ang impormasyong ito ay ipinagkakaloob ng San Francisco City Clinic. Bisitahin ang aming homepage sa sf.gov/cityclinic.

Ang impormasyon sa pahinang ito ay huling nirebisa noong Pebrero 19, 2026