KAMPANYA

ilustrasyon ng isang mapusyaw na asul na pahabang tableta sa isang kulay abong bilog

Tungkol sa PrEP bilang tableta: 2-1-1

San Francisco City Clinic

Ano ang 2-1-1 PrEP

  • Ang 2-1-1 PrEP ay nangangahulugang pag-inom lamang ng mga tableta sa mga araw kapag ikaw ay nakikipagtalik, at 2 araw pagkatapos.
  • Kailangan mong sumunod sa partikular na iskedyul ng tableta ng tama para ito ay gumana.
  • Maaari mong inumin ang 2-1-1 PrEP kahit kung umiinom ka ng alkohol, gumagamit ng droga, gumagamit ng hormones, o gumagamit ng birth control.

Mga uri ng pakikipagtalik na pinoprotektahan nito

  • Pinipigilan ng 2-1-1 PrEP ang HIV kapag ginagamit ang ari ng lalaki o puwit para sa pakikipagtalik.
  • Hindi nito pinipigilan ang HIV kapag ginagamit ang ari ng babae/butas sa harap o kapag nagtuturok ng mga droga.

Gamitin lamang ang Truvada o ang generic nito

  • Ang Truvada ay ang natatanging tableta ng PrEP na puwede mong inumin sa iskedyul ng 2-1-1.
  • Maaari mong gamitin ang may tatak o generic na Truvada. Ang generic na pangalan ay "emtricitabine at tenofovir DF."
  • Huwag gamitin ang Descovy para sa 2-1-1.

Ang 2-1-1 PrEP ay nangangailangan ng maagang pagpaplano

  • Kailangan mong inumin ang unang dosis bago makipagtalik.
  • Kailangan mong sumunod sa partikular na iskedyul ng tableta ng tama para ito ay gumana. Basahin pa ang tungkol sa iskedyul sa ibaba.
  • Sa iba, maaaring mahirap sundin ang iskedyul ng 2-1-1. Kung hindi mainam para sa iyo ang iskedyul ng 2-1-1, sa halip ay isaalang-alang ang ibang uri ng PrEP.

Paano iinumin ang 2-1-1 PrEP

Ang iskedyul ng 2-1-1

Kailangan mong sundin ang iskedyul nang tama para ito ay gumana. Napakatiyak ng iskedyul:

  1. Inumin ang unang dosis: 2 tableta agad, 2 hanggang 24 na oras bago makipagtalik
  2. Pagkatapos ay inumin ang pangalawang dosis ng 1 tableta, 24 na oras pagkatapos ng unang dosis
  3. Bilang panghuli, inumin ang pangatlong dosis ng 1 tableta, 24 na oras pagkatapos ng pangalawang dosis

Kung ikaw ay nakipagtalik pagkatapos ng pangalawang dosis, patuloy na uminom ng 1 tableta kada 24 na oras hanggang sa lumipas ang 2 dosis mula sa iyong huling pakikipagtalik.

  • Halimbawa, kung muli kang nakipagtalik sa pagitan ng pangalawa at pangatlong dosis, idagdag ang pang-apat na dosis ng 1 tableta 24 na oras pagkatapos ng pangatlong dosis. Kung ikaw ay nakipagtalik sa pagitan ng pangatlo at pang-apat na dosis, o sa pagitan ng anumang mga dosis sa kalaunan, patuloy na magdagdag ng higit pang mga dosis sa parehong iskedyul na ito hanggang sa mainom mo na ang 2 dosis nang hindi nakikipagtalik sa pagitan.


Narito ang larawan na nagpapakita ng iskedyul ng 2-1-1:

Ilustrasyon ng 4 na mapusyaw na asul na pahabang tableta nang sunud-sunod. Ang 2 ay magkakasama. Ang iba pang 2 ay nakatayo nang mag-isa. Sa ilalim ng unang 2 tableta, nakasulat ang "day 1". Sa ilalim ng ika-3 at ika-4 na tableta, nakasulat ang "day 2" at "day 3", ayon sa pagkakabanggit.
  • Sa larawang ito, ang unang araw ay ang araw na ikaw ay makikipagtalik. Sa unang araw, iinom ka ng 2 tableta agad, nang 2 hanggang 24 na oras bago makipagtalik.
  • Maghanap ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa kung paano iinumin ang 2-1-1 PrEP nang direkta sa lawaran sa itaas.

Paano aalalahaning inumin ang bawat dosis

Ang bawat dosis na 2-1-1 at 24 na oras ang pagitan. Narito ang ilang paraan upang matulungan kang maalala na inumin ang bawat dosis:

  • Sa oras na uminom ka ng isang dosis, magtakda ng paalala sa iyong telepono na tutunog sa loob ng 24 na oras para sa susunod na dosis.
  • Kapag tumunog na ang 24 na oras na paalala, inumin ang susunod na dosis. Patuloy na ulitin ito hanggang sa nainom mo na ang lahat ng iyong mga 2-1-1 na dosis.
  • Magplano nang maaga. Dalhin ang tableta kung lalabas ka kapag oras na para sa susunod na dosis. Maaari mo ring inumin ang tableta nang hanggang 2 oras nang maaga kung iyon ang pinakamadali.

Nakaligtaan ang isang dosis?

  • Kung nakaligtaan mo ang unang dosis at nakipagtalik nang walang condom o mahigit 2 oras na nahuli para sa alinman sa mga dosis pagkatapos makipagtalik, uminom ng 2 tableta sa iisang dosis at tawagan ang iyong provider tungkol sa pagkuha ng PEP.
  • Kung ikaw ay nahuli nang wala pang 2 oras para sa alinman sa mga dosis pagkatapos makipagtalik: inumin ang dosis sa lalong madaling panahon.

Mga posibleng side effect

  • Nakakaranas ang ibang tao ng kabag, pagkahilo, o pananakit ng ulo kapag umiinom ng 2-1-1 PrEP. Ang mga side effect na ito ay maaaring mabawasan o mawala sa pagdaan ng panahon. Kung magpapatuloy ang mga ito at nakakabagabag sa iyp, maaari mong isaalang-alang ang paglipat sa ibang uri ng PrEP.
  • Ang Truvada ay gamot na PrEP na ginagamit sa iskedyul na 2-1-1. Ang Truvada ay maaaring magdulot ng maliliit na pagbabago sa paggana ng bato at densidad ng mineral sa buto. Bumabalik ang mga ito sa normal sa oras na tumigil ka sa pag-inom nito.

Pagpapanatili ng suplay ng iyong tableta

  • Hindi laging awtomatiko ang mga refill. Makipag-ugnayan sa iyong parmasya para sa refill bago maubusan ng suplay ng iyong tableta. Sa ganitong paraan, lagi kang may handang tableta kapag kailangan mo ito.
  • Bago bumiyahe, ipaalam sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan at parmasya na maaaring kailanganin mo ang karagdagang refill.

Gastos

  • Makukuha ang Truvada bilang generic na gamot sa murang halaga o nang libre.
  • Kung mayroon kang mga babayaran para sa gamot na PrEP, maaaring makatulong ang mga programang tulong na sagutini ang mga ito.
  • Para sa tulong, makipag-ugnayan sa City Clinic PrEP line sa 628-217-6692.

Pagsusuri ng laboratoryo

  • Bago simulan ang PrEP, makukuha mo ang mga pagsusuri para sa HIV, mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik (mga STI), paggana ng bato, at hepatitis B at C.
  • Habang umiinom ng PrEP, regular kang susuriin para sa HIV, mga STI, at paggana ng bato.

Paglipat sa o pag-inom ng PrEP

Paglipat sa pag-inom ng tableta araw-araw

  • Maaari kang lumipat sa pagitan ng pang-araw-araw at mga iskedyul ng 2-1-1 na tableta kapag gusto mo.

Paglipat sa uri ng iyong PrEP o pagtigil sa PrEP

  • Kung gusto mong tumigil sa pag-inom ng 2-1-1 PrEP, makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iba pang mga opsyon upang maiwasan ang HIV. Maaari kang lumipat sa pag-inom ng mga tabletang PrEP araw-araw gamit ang Descovy o Truvada, o pag-inom ng PrEP bilang bakuna, o puwede kang gumamit ng condom.
  • Kung nagpasya kang tuluyan nang tumigil sa paggamit ng PrEP:
    • Bago ka huminto, uminom ng hindi bababa sa 2 pang pang-araw-araw na dosis ng Truvada pagkatapos ng huling pagkakataon na ikaw ay makikipagtalik nang walang condom. Nagpoprotekta ito laban sa HIV.

Kung ikaw ay nakipagtalik nang walang condom habang hindi gumagamit ng PrEP

  • Tawagan ang iyong provider sa loob ng 72 oras para sa PEP.
  • Magpasuri para sa HIV sa lalong madaling panahon kapag muling sinisimulan ang PrEP. Natutulungan ka nitong matiyak ang iyong HIV status pagkatapos tumigil sa pag-inom ng PrEP. Ang PrEP ay inirerekomenda lamang para sa mga taong negatibo sa HIV.

Pinipigilan ng PrEP ang HIV

City Clinic logo stating "San Francisco City Clinic a landmark in prevention"

Ang impormasyong ito ay ipinagkakaloob ng San Francisco City Clinic. Bisitahin ang aming homepage sa sf.gov/cityclinic.

Ang impormasyon sa pahinang ito ay huling nirebisa noong Abril 14, 2026