Alamin kung anong mga uri ng negosyo ang kwalipikado para sa 30 araw na pagsusuri

Ang 30 araw na pagsusuri ay available para sa ilang negosyo depende sa lokasyon at uri ng negosyo.

Anong gagawin

Tingnan ang mga limitasyong ito para malaman kung kwalipikado ang iyong negosyo para sa 30 araw na pagsusuri sa ilalim ng Prop H.

 

Mga uri ng negosyo

Ang ilang uri ng negosyo ay hindi kwalipikado para sa isang 30 araw na pagsusuri sa ilalim ng Prop H. Kasama rito ang mga, pero hindi limitado sa:

  • Mga paggamit para sa masahe
  • Mga paggamit para sa cannabis
  • Mga paggamit para sa Wireless Telecommunication
  • Mga Pang-adult na Negosyo

Mga chain store

Hindi kwalipikado para sa 30 araw na pagsusuri ang mga tindahang may 11 o higit pang lokasyon sa buong mundo.

Mga pisikal na pagbabago

Hindi kwalipikado ang mga proyektong ito para sa 30 araw na pagbabago sa ilalim ng Prop H:

  • Mga proyektong nagpapalawak sa footprint ng gusali
  • Mga proyektong nagpapalawak sa interior na square footage ng negosyo
  • Mga bagong gusali
  • Mga proyektong mayroong paghuhukay ng lupa

Humingi ng tulong

Last updated September 7, 2021