ULAT

Mag-apply para sa gawad para magbukas ng bagong tindahan

Office of Economic and Workforce Development

Ang mga karapat-dapat na negosyo ay maaaring makatanggap ng mga komprehensibong serbisyo ng broker at $50,000-$100,000 na gawad upang magbukas ng tindahan.

MANGYARING BASAHIN BAGO MAG-APPLY

Gastos sa pagbubukas ng isang tindahan

Ang pagbubukas ng tindahan sa San Francisco ay malaking pangako sa pananalapi at pagpapatakbo. Ang mga gastos sa iyong pagbubukas ay maaaring kabilangan ng, ngunit hindi limitado sa, mga permit, lisensya, kagamitan, muwebles, mga pagpapabuti ng nangungupahan, mga deposito, at imbentaryo. Ang gawad na ito ay inilaan upang saklawin lamang ang hati sa iyong mga gastos sa pagsisimula at dapat kang magkaroon ng karagdagang kapital upang magamit sa pagbubukas ng iyong tindahan.

Maaaring handa ka nang magbukas ng tindahan kung:

  1. Hindi nagbabago ang iyong kita
  2. Mayroon kang gumaganang kapital at reserba
  3. Nauunawaan mo na ang buong gastos sa pagbubukas at pagpapanatili ng tindahan
  4. Handa ka na para sa responsibilidad sa pagpapatakbo
  5. Mayroon kang malinaw na plano para sa pagpapanatili ng negosyo nang pangmatagalan

Mga pinakamababang pamantayan para sa aplikante:

  1. Ang mga aplikante ay kailangang nakapagpatakbo na ng kanilang negosyo nang hindi bababa sa tatlong taon, at ang bagong tindahan ay kailangang nasa loob ng parehong industriya.

Ang pagkakataong ito ay pinaka-naaangkop para sa mga negosyong matatag na, kumikita, at handa para sa pangmatagalang pangako sa komersyal na koridor.

Hindi karapat-dapat
• Mga dating nakatanggap ng Gawad na Oportunidad para sa Tindahan (Storefront Opportunity Grant, SOG)
• Mga dating nakatanggap ng Downtown Vibrancy Loan Fund (Pondong Ipinauutang Para sa Ikasisigla ng Downtoan)
• Mga negosyong lumilipat mula sa kanilang kasalukuyang tindahan sa loob ng San Francisco

Mga detalye tungkol sa programa

Ang Storefront Opportunity Grant ay nagbibigay ng mga komprehensibong serbisyo ng komersyal na broker at pag-lease, pati na rin ng gawad o pinansyal na tulong sa pagitan ng $50,000 - $100,000 sa mga karapat-dapat na negosyo upang magbukas ng tindahan sa komunidad. Ang mga interesadong may-ari ng negosyo ay kailangang magsumite ng aplikasyon bago lumampas ng Biyernes, Pebrero 13 sa ganap na 5:00 PM .

Mga layunin ng programa:

  1. Paganahin ang mga bakanteng komersyal na espasyo sa pamamagitan ng mapapanatiling maliliit na negosyo
  2. Bawasan ang mga hadlang para sa mga lokal na negosyante upang manatili sa mga komersyal na koridor
  3. Pasiglahin ang ekonomiya sa mga komersyal na koridor

Ang programang ito ay para sa mga negosyong WALANG kontrata sa pag-upa sa panahon ng aplikasyon, maging para sa kanilang unang lokasyon o isang pagpapalawak. Ang mga negosyong mapipiling magpatuloy ay makakatanggap ng:

  1. Mga serbisyo ng broker upang tukuyin ang lokasyon para sa iyong bagong negosyo at makakuha ng Liham ng Tunguhin (Letter of Intent, LOI)
  2. Mga serbisyo sa pagrerepaso ng lease upang mabigyan ka ng kakayahan na makipagnegosasyon para sa iyong lease at maiwasan ang anumang potensyal na panganib
  3. Teknikal na tulong upang matiyak na ang iyong negosyo sa tindahan ay maaaring magsimula at lumago sa pamamagitan ng one-on-one na payo

Mga Antas ng Pagpopondo

Katangi-tangi ang bawat proseso sa negosyo, at kaya kailangan mong bigyang-buhay ang pananaw. Tinitiyak ng estratehiyang ito na may patutunguhan ang bawat dolyar, na tumutulong sa paglikha ng masisiglang tindahan at malalakas na komunidad.

Mga Serbisyong Retail / Personal - $50,000

Kabilang sa mga halimbawa ang, ngunit hindi limitado sa, mga boutique, salon, fitness studio, at mga serbisyo sa alagang hayop.

Pagkain / Cafe (Limitado o Walang upuan) - $75,000

Kabilang sa mga halimbawa ang, ngunit hindi limitado sa, mga coffee shop, panaderya, juice bar, at maliliit na café.

Bar / Mga Restawran (Buong serbisyo) - $100,000

Kabilang sa mga halimbawa ang, ngunit hindi limitado sa, para sa mga buong serbisyong restawran, bar, at mga konsepto sa hatinggabi.

Mga Parmasya - $100,000

Mga pagmasyang naglilingkod sa kapitbahayan

Mga Hindi Karapat-dapat na Uri ng Negosyo
Mga Convenience Store • Mga Retailer ng Sigarilyo • Mga Tindahan ng Alak • Libangan para sa mga Nasa Hustong Gulang • Mga Institusyong Panrelihiyon

Pinananatili ng OEWD ang karapatang hindi gawaran ang negosyong hindi naaangkop sa estratehiya ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng kapitbahayan.
Important dates
DESCRIPTIONDATE

Application Portal Opens

Monday, January 26, 2026 12:00PM

Application Portal Closes

Friday, February 13, 2026 5:00PM

Notification Emails

Monday, February 23, 2026 5:00PM

Presentations

Monday, March 2, 2026 through Friday, March 6, 2026

Final Determination

All applicants will be notified of their award or non-award status by Friday, March 13, 2026.

Hakbang 1: Suriin ang pagiging karapat-dapat ng negosyo

Ang iyong negosyo ay dapat:

  1. Maging nakarehistrong negosyo sa Lungsod at County ng San Francisco na may aktibong BAN
  2. May $5M o mas mababa pa sa kabuuang kita ng negosyo sa pinakahuling tax return
  3. Magkaroon ng 100 o mas kaunting empleyado
  4. Magkaroon ng 3 o higit pang taon ng mga business tax return sa loob ng huling 10 taon
  5. Walang anumang bukas na paunawa ng paglabag sa alinmang Departamento ng Lungsod
  6. May napatunayang track record ng 3 o higit pang taon ng pagpapatakbo
  7. Maging nasa mabuting katayuan sa Kalihim ng Estado ng California
    1. Kung ikaw ay nasuspinde sa Lupon na Namamahala sa Pangongolekta ng Buwis (Franchise Tax Board, FTB), ikaw ay hindi karapat-dapat
Ang mga non-profit na organisasyon ay karapat-dapat kung ang mga ito ay kumikita at bukas sa publiko para sa mga programa at/o serbisyo at napapanahon sa Registry of Charitable Trusts.

Hakbang 2: Suriin ang mga kinakailangan

Mga kinakailangan sa tindahan

  1. Ang tindahan ay kailangang nasa unang palapag, bukas sa publiko sa regular na oras ng negosyo, at komersyal na nakasona.
  2. Kailangang bukas sa publiko ang tindahan nang hindi bababa sa 4 na araw sa isang linggo
  3. Ang tindahan ay dapat na angkop na nakasona para sa uri ng negosyo
  4. Kailangang sumusunod ang tindahan sa ADA
    1. Kung ang tindahan ay hindi sumusunod sa ADA, dapat ipakita ng may-ari ng negosyo na pinagsusumikapan nila ang pagsunod.
  5. Dapat kumuha ang tindahan ng mga wastong permit, lisensya, at pumasa sa lahat ng inspeksyon ng departamento ng Lungsod

Mga kinakailangan sa lease o kontrata sa upa

  1. Ang lease ay kinakailangang hindi bababa sa 3 magkakasunod-sunod na taon
    1. PAALALA: Ang mga lease na wala pang tatlong taon na may opsyon para mag-renew ay hindi kwalipikado para sa programang ito.
Hindi isasaalang-alang para sa mga programa at/o serbisyo ang mga espasyo ng opisina na hindi bukas sa publiko.
Hindi isasaalang-alang ang mga negosyong naka-appointment lamang.

Hakbang 3: Isumite ang aplikasyon

Ang mga interesadong negosyo ay kailangang magsumite ng kumpletong aplikasyon na isaalang-alang para sa Storefront Opportunity Grant (Gawad na Oportunidad para sa Tindahan). Ang hindi pagsusumite ng kumpleto at tumpak na aplikasyon ay maaaring magresulta sa diskwalipikasyon.

Pangkalahatang-ideya ng Aplikasyon

  1. Konsepto ng negosyo at pagkakaangkop sa merkado
  2. Kahandaan sa pananalapi
  3. Kasaysayan at karanasan
  4. Kontribusyon sa komunidad
  5. Impormasyon Tungkol sa Negosyo
  6. Impormasyong Pandemograpiya

Susuriin ang mga aplikasyon at ang mga may-ari ng negosyo na nakatutugon sa pinakamababang limitasyon ay aanyayahan na iprisinta ang kanilang konsepto sa pangkat ng mga pinuno ng komunidad at mga tagapayo sa negosyo.

Hindi ito programang “first-come, first-served”. Lahat ng aplikasyon na isusumite bago ang deadline ay susuriin.

MAG-APPLY
Magsasara ang portal ng aplikasyon sa Biyernes, Pebrero 13 sa ganap na 5:00PM.

Hakbang 4: Mga Presentasyon

Ang mga negosyong mapipiling magpatuloy ay kakailanganing iprisinta ang kanilang konsepto sa pangkat ng mga pinuno ng komunidad at mga tagapayo sa negosyo.

Bibigyan ka namin ng template sa presentasyon at 12-buwan na template sa mga proyektong pinansyal. Ang mga napiling aplikante ay makakatanggap ng mga karagdagang tagubilin sa pamamagitan ng email.

Hakbang 5: Tumanggap ng mga serbisyo ng broker at pagrerepaso ng lease

Makakatanggap ang mga negosyo ng mga komprehensibong serbisyo sa brokerage at pagsusuri ng lease upang tulungan sila sa proseso ng kanilang pagbubukas.

Ang mga serbisyo ng broker ay makakatulong sa may-ari ng negosyo na tukuyin ang mga potensyal na bakanteng espasyo para magbukas ng kanilang tindahan.

Sa tulong ng espesyalista sa pag-lease ng Lungsod, mas magiging handa ang maliliit na negosyo na makipagnegosasyon sa mga tuntunin ng kanilang lease gamit ang mga karagdagang mapagkukunang ito.

Bagaman libre sa may-ari ng negosyo, ang mga pinagsamang serbisyo ng broker at pag-lease ay nagkakahalaga ng $150/oras.

Hakbang 6: Lagdaan ang lease

Sa oras na matukoy ng may-ari ng negosyo ang bakanteng komersyan na tindahan, nakipag-areglo sa mga tuntunin ng pag-lease, at narepaso na ng espesyalista sa pag-upa ng Lungsod, maaari nang lagdaan ng may-ari ng negosyo ang pag-lease.

Paalala: Ang Liham ng Tunguhin (Letter of Intent, LOI) at ang draft ng lease ay dapat repasuhin ng espesyalista sa pag-lease ng Lungsod bago lagdaan. Mayroong dalawang linggong panahon ng pagtugon para sa feedback sa draft ng lease mula sa espesyalista sa pag-lease ng Lungsod.

Ang huling araw ng pagsusumite ng nilagdaang lease ay sa Biyernes, Mayo 29, sa ganap na 5:00PM.

Hakbang 7: Tumanggap ng mga pondo

Bukod sa paglagda ng lease, ang may-ari ng negosyo ay kailangang mangako nang 6 na buwan (12 oras o higit pa) ng one-on-one na teknikal na tulong upang makatanggap ng mga pondo. Pagtutulungan ng may-ari ng negosyo at ng tagapagbigay ng serbisyo ang 6 na buwang plano at magsusumite sa OEWD bago matanggap ang mga pondo. Ang mga detalyadong tagubilin ay ibibigay sa mga gagawaran sa pamamagitan ng email.

PAALALA: Makikipagtulungan ang OEWD sa may-ari ng negosyo upang ikonekta sila sa naaangkop na Tagapagbigay ng Teknikal na Tulong. Ang mga karagdagang mapagkukunan ay makakatulong sa negosyo na lumago at umunlad.

Pagbabayad

Makikipagtulungan ang may-ari ng negosyo sa non-profit na kasosyo upang direktang ideposito ang kanilang gawad sa account ng negosyo sa bangko. Ang mga detalyadong tagubilin ay ibibigay sa mga gagawaran sa pamamagitan ng email sa oras na iyon.

Hakbang 8: Pormal na pagbubukas

Makikipagtulungan ang may-ari ng negosyo sa OEWD at sa kanilang Tagapamahala ng Proyekto upang mag-iskedyul ng Pormal na Pagbubukas sa komunidad.

Mga Mapagkukunan

Na-update: Pebrero 10, 2026