PAHINA NG IMPORMASYON

Kalidad ng hangin

Maaaring magkaroon ng mga emerhensya sa kalidad ng hangin mula sa mga wildfire, mga insidente sa industriya, o iba pang mga kaganapan na naglalabas ng mga pollutant sa atmospera.

Ang pagkahantad sa masamang kalidad ng hangin ay maaaring humantong sa mga isyu sa kalusugan tulad ng pagka-irita sa mata at lalamunan, pag-ubo, at kahirapan sa paghinga. Ang mahihinang grupo—kabilang ang mga bata, matatanda, mga buntis na indibidwal, at ang mga dati nang may kondisyon sa paghinga o puso—ay dapat dagdagan ang pag-iingat sa mga kaganapang ito.

Bago ang emerhensya sa kalidad ng hangin

  • Mag-sign up para sa “Spare the Air” alerts mula sa Bay Area Air Quality Management District (BAAQMD) upang makatanggap ng mga update sa email/text kapag ang kalidad ng hangin ay umabot na sa mga antas na hindi mabuti sa kalusugan.
  • Subaybayan ang AirNow para sa mga real-time na update sa kalidad ng hangin. Ipinapakita ng Air Quality Index (AQI) kung gaano karaming usok, abo, at polusyon ang nasa hangin.

Pagprotekta sa mga nasa mas mataas na panganib 

  • Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa paggawa ng plano para mapangalagaan ang mga kondisyon ng paghinga sa panahon ng mga kaganapang may usok.
  • Magtabi ng karagdagang gamot kung umaasa ka sa mga inhaler o iba pang mga paggamot.
  • Bawasan ang pisikal na aktibidad at pagkakalantad sa labas kapag masama ang kalidad ng hangin.
  • Kung mayroon kang hika o iba pang mga kondisyon sa paghinga, sundin ang iyong plano sa pamamahala at subaybayan nang mabuti ang mga sintomas.
  • Humingi ng pangangalaga kapag kinakailangan at tumawag sa 911 para sa anumang mga medikal na emerhensya. 

Sa panahon ng emergency sa kalidad ng hangin

  • Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari na nakasara ang mga bintana at pinto. Kung kailangan mong lumabas, limitahan ang mabibigat na gawain.
  • Pagbutihin ang kalidad ng hangin sa looban sa pamamagitan ng pagpapanatiling nakasara ng mga bintana at pinto kapag masama ang kalidad ng hangin. Kung maaari, gumamit ng fan na may nakakabit na filter o gumawa ng simpleng DIY (sariling ginawa) na air purifier sa pamamagitan ng pag-kabit ng mataas na kalidad na air filter sa isang box fan.
  • Tumawag, mag-text, o bumisita sa mga kapitbahay. Ang matatanda, lalo na ang mga naninirahang mag-isa, at ang mga may kapansanan o mga kondisyong medikal ay ang pinakananganganib sa panahon ng mga emerhensya at sakuna.
  • Gumamit ng mga air purifier kung mayroon ka nito.
  • I-off ang mga ventilation fan o anumang bagay na makapagpapapasok sa hangin na galing sa labas.
  • I-set ang mga air conditioning unit at car vent system sa re-circulate upang maiwasan ang pagpasok ng hangin sa labas.
  • Manatiling naka-hydrate sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig sa panahong may matinding usok.
  • Kung hindi posible na panatilihing malinis ang hangin sa loob ng bahay, pag-isipang bumisita sa isang pampublikong gusali na may mas magandang air filtration, gaya ng sa aklatan o mall.
Mapa ng Heat Wave

Madalas na nagkakaroon ng mga emerhensya sa kalidad ng hangin sa panahon ng matinding init. Manatiling naka-update sa mga lokal na kondisyon gamit ang aming mapa ng Heat Wave.

Ang interaktibong mapa na ito ay nagbibigay ng real-time na impormasyon sa mga lokasyon ng cooling center at mga water fountain sa paligid. Suriin ito sa panahon ng mga heat wave upang manatiling ligtas at makahanap ng mga mapagkukunan ng mga tulong na malapit sa iyo.

Upang magalugad ang mga karagdagang layer, i-click ang drop-down na menu sa kanang sulok sa itaas ng mapa at piliin ang “mga layer” (ang icon na mukhang salansan ng mga papel).
Heatwave Resource Map

Bisitahin ang aming Mapa ng Heat Wave

Tungkol sa mga mask

  • Inirerekomenda ng California Air Resources Board na ang mga taong naghahanap ng karagdagang proteksyon mula sa usok ng sunog, ay gumamit ng mga sertipikado ng NIOSH na N95 respirator mask.
  • Ang mga taong dapat nasa labas ng mahabang panahon, sa mga lugar na may makapal na usok, o kung saan ang abo ay nagagambala, ay maaaring kailanganing magsuot ng sertipikado ng NIOSH na N95 respirator mask. Dapat limitahan ng mga may umiiral na sakit sa paghinga, baga o puso ang kanilang pagkakalantad sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay. Dahil maaaring maging mas mahirap huminga ang pagsusuot ng respirator, ang mga may sakit sa baga o puso ay dapat magpatingin muna sa kanilang doktor bago gumamit nito.

Mag-sign up para sa AlertSF upang makatanggap ng mahahalagang update bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga emerhensya.

I-text ang iyong ZIP Code sa 888-777 o mag-sign up sa AlertSF.org.

Alamin pa

Tungkol Dito

ReadySF logo

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Namamahala ang DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.

Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky

Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.