KUWENTO NG DATOS

Mga pagkaka-ospital dahil sa respiratory virus

Mga pagpasok sa ospital dahil respiratory virus sa mga ospital sa San Francisco.

Population Health

Mga pagpasok sa ospital dahil sa respiratory virus

Ang mga pagpasok sa ospital ay isang mahalagang tagapagpahiwatig ng pagkalat at kalubhaan ng mga virus sa San Francisco. Nag-uulat kami sa mga pagpasok sa ospital para sa:

  • Influenza (trangkaso)
  • Respiratory Syncytial Virus (RSV)
  • COVID 19

Sa dashboard na ito ipinapakita namin:

  1. Ang bilang ng mga taong naipasok sa mga ospital ng San Francisco sa bawat linggo para sa trangkaso, RSV, at COVID-19.
  2. Ang mga antas ng pagpasok sa ospital ng San Francisco sa bawat 100,000 residente para sa bawat virus.
Data notes and sources

Kasama sa dataset na ito ang mga pagpasok dahil sa respiratory virus (Influenza, RSV, COVID-19) sa mga ospital sa San Francisco. Kasama sa data ang bilang ng mga pagpasok dahil bawat virus bawat linggo. Ang data ay ibinibigay ng National Healthcare Security Network (NHSN).

Nakatanggap kami ng data ng NHSN nang direkta mula sa California Department of Public Health (CDPH) para sa mga ospital na ito:

  • Chinese Community Hospital
  • Kaiser Hospital
  • Kentfield San Francisco
  • Laguna Honda Hospital
  • San Francisco Veterans Affairs Medical Center (SFVAMC)
  • Sutter (California Pacific Medical Center) hospitals (mga campus ng Davies, Mission Bernal, at Van Ness)
  • Mga ospital ng University of California, San Francisco (UCSF) (Hyde, Mission Bay, Mount Zion, Parnassus, Stanyan)
  • Zuckerberg San Francisco General Hospital

Ang Kentfield and Laguna Honda ay hindi mga ganap na ospital, ngunit mayroon silang ilang higaan para sa pangangalagang nasa antas na pang-ospital.

Ang antas ng pagpasok sa bawat 100,000 ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply sa bilang ng mga admisyon bawat linggo sa 100,000 at paghahati sa pagtatantiya ng populasyon ng San Francisco. Ang data na natanggap mula sa NHSN ay pinagsama-sama at hindi kasama ang mga detalye sa antas ng tao. Ang mga rate na iniulat ay mga pagtatantiya dahil ang ilang mga bagong pagpasok ay maaaring hindi residente ng San Francisco.

Ang mga pagtatantiya sa populasyon ng San Francisco ay mula sa 5-taong American Community Survey noong 2023.

Makikita mo ang data ng respiratory virus para sa buong estado sa ulat ng CDPH.

Tingnan ang source data

Mga ahensyang kasosyo