SERBISYO

Humiling ng pag-iilaw sa City Hall

Maaari kang humiling para mailawan ang City Hall ng San Francisco sa mga partikular na kulay upang magpugay sa adhikain. Nirerepaso ng mga kawani ng Lungsod ang mga kahilingan kada buwan. Hindi lahat ng kahilingan ang maaaprubahan.

City Administrator

Ano ang dapat malaman

Sino ang maaaring gumawa ng kahilingan

  • Ang mga residente, organisasyon, at mga departamento ng Lungsod ng San Francisco ay maaaring magsumite ng mga kahilingan.
  • Isinasaalang-alang ang mga kahilingan para sa mga kaganapang panlipunan, ipinagdiriwang na araw sa bansa, mga kampanya sa mga adhikain ng pagbibigay ng kaalaman, at katangi-tanging kaganapan sa San Francisco.

Ano ang gagawin

Ano ang dapat malaman bago ka mag-apply

Isumite ang iyong kahilingan nang hindi bababa sa 4 na linggo bago ang iyong ninanais na petsa.

Ang mga desisyon ay batay sa pagiging available, pagkakahanay sa mga priyoridad, at mga kahirapan sa pag-iiskedyul.

Hindi namin magagarantiya ang bawat kahilingan, at ang mga plano ay maaaring magbago o makansela nang ayon sa pagpapasya ng Lungsod.

Paano magsumite ng kahilingan

Punan ang form ng kahilingan. Tatanungin ka namin ng tungkol sa iyong organisasyon, sa mga mas gusto mong petsa, at kung anong mga kulay ang gusto mong hilingin.

Pagkatapos mong punan ang form, makakatanggap ka ng isang awtomatikong email na kumikilala sa iyong kahilingan.

Ano ang mangyayari pagkatapos mong mag-apply

  • Ipapaalam namin sa iyo ang desisyon sa loob ng 1-2 linggo bago ang buwan ng petsa ng iyong paghiling.
  • Kung maaaprubahan, makakatanggap ka ng email na may kumpirmasyon ng iyong petsa at kulay.

Makipag-ugnayan sa amin