PRESS RELEASE
Sa Araw Ng Citizenship Day, Ipinagdiriwang Ng Sf Ang Mahigit 14,000+ Na Dumaan Na Sa Naturalisasyon At Hinihimok Ang Lahat Na Maaari Nang Mag Pa-Naturalize Gawin Na Ito Ngayon
Office of Civic Engagement and Immigrant AffairsSa Araw Ng Citizenship Day, Ipinagdiriwang Ng Sf Ang Mahigit 14,000+ Na Dumaan Na Sa Naturalisasyon At Hinihimok Ang Lahat Na Maaari Nang Mag Pa-Naturalize Gawin Na Ito Ngayon
SAN FRANCISCO – Sa ating pagdiriwang ng National Citizenship Day, hinihimok ng San Francisco ang lahat ng mga maaari nang mag pa-naturalize na gawin na ito sa mga paparating na mga libreng workshop na tatanghalin ng Lungsod. Sa pamamagitan ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative, ang mga workshop na ito ay naghahatid ng mga libreng pagkukunan ng tulong at may kasamang mga tagasalin wika sa naturang workshop at mga pro-bono na abogado para magbigay gabay sa proseso ng aplikasyon at tulungan ang mga nangangailangan nito para makapag apply para sa pagpapaliban ng bayarin (fee waiver).
Pinondohan ng Lungsod at mga lokal na foundation partner, naka pagsagawa na ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative nang 95 na mga libreng workshop sa kabuuhan ng lungsod, naghatid ng mga legal screening sa mahigit 20,000 na mga imigrante, na kung saan nakatipid ng mahigit $7 million ang mga aplikante sa kanilang mga dapat sanang bayarin para sa aplikasyon. Nuong 2017, inilunsad ng Inisyatiba ang “Lawyers in the Library” sa pakikipagtulungan sa San Francisco Public Library upang tulungan ang mga aplikanteng makapag apply para sa kanilang citizenship sa pamamagitan ng mga workshop na batay at gumagamit ng mga computer. Nuong 2018, ito’y nakipagtulungan sa Pandaigdigang Paliparan ng San Francisco para bigyan ng pagkakataon ang mga kawani dito at kanilang pamilya na makapag apply para sa citizenship sa loob ng nasabing airport. Tinutulungan din ng SF Pathways na pagtagpuin ang mga aplikante sa mga pag aaral para sa English as a Second Language (ESL) at citizenship sa pamamagitan ng City College ng San Francisco at iba pang mga organisasyon.
“Ang San Francisco ay Lungsod na pinatutuloy at tinatanggap ang lahat ng mga imigrante. Ang mga dumating dito mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ay tumulong para gawin ang ating Lungsod sa kung ano na ito ngayon. Sa ating pag tayo dito, pinalalakas at pinatitibay natin ang ating pangako na pangalagaan ang nasabing pamana”, sabi ni San Francisco Mayor Daniel Lurie. “Sa araw na ito ng Citizenship Day, mangako tayong pananatilihin ang San Francisco na lugar na kung saan ipinagdiriwang natin ang mga bagong kapitbahay at pinatutuloy ang lahat ng nagnanais na tawaging kanilang tahanan ang Lungsod.”
Sa workshop na katatapos lang, mahigit 100 katao ang naka gamit ng mga pagkukunan ng tulong na inalok para makapag apply para sa U.S. citizenship. May dalawa pang libreng workshop ang tatanghalin sa Oktubre at Nobyembre, ang mga libreng workshop ang pinakabagong kaganapan na binuo ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative bilang tulong para gawing mas madaling matamo at abot kaya ang proseso ng citizenship.
“Mula pa nuong inilunsad ang pakikipagtulungan sa non-profit na San Francisco Pathways to Citizenship Initiative (SFPCI) nuong 2013, ipinagdiriwang natin ang National Citizenship Day sa bawat taon,” sabi ni Anni Chung, pangulo at CEO ng Self-Help for the Elderly, ang nangungunang organisasyon sa inisyatiba. “Ipinagmamalaki natin ang naging pakinabang sa atin: ngayong taon, mahigit 14,000 na ang natulungan ng SFPCI sa kanilang pagtahak sa daan para maging U.S. citizen.”
“Ang Citizenship ay daan tungo sa oportunidad at ganap na partisipasyon sa buhay ng ating Lungsod, at ang Pathways to Citizenship Initiative ay isang kritikal na paraan kung saan nakikipagtulungan tayo para suportahan ang panlipunan at pang ekonomiyang kagalingan sa ating komunidad ng mga imigrante” ani ni Carmen Chu, Administrador ng Lungsod. “Ang kasaysayan at tagumpay ng San Francisco at ng bansang ito ay itinatag at ibinalikat ng mga imigrante. Mas lalo tayong malakas kapag konektado tayo sa pagkaka iba-ibang mundo sa paligid natin at nagpapasalamat ako sa Self-Help for the Elderly at sa lahat ng ating kasosyo sa komunidad para sa kanilang pakikipag ugnayan sa gawaing ito.”
Ang mga pipiliing mag-naturalize ay kadalasang nakakaranas ng karagdagang legal at propesyonal na mga benepisyo. Ang mga naturalized na mamamayan ay maaari ding magpetisyon para sa mga miyembro ng pamilya, maging karapat-dapat para sa mga programang pederal at pampublikong benepisyo, malayang maglakbay, at bumoto. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga naturalized na mamamayan ay mas malamang na makakuha ng trabaho at kumita ng 8 hanggang 11 porsiyentong higit pa kaysa sa mga may hawak ng green card.
“Ang pagiging U.S. citizen ang isa sa pinakamahalagang hakbang na magagawa ninyo para sa inyong sarili at kapamilya at may mga pagkukunan ng tulong at mga organisasyon sa San Francisco na nandito para tumulong,” sabi ni Jorge Rivas, direktor ng Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) at kalihim ng San Francisco Immigrant Rights Commission. “Inaalis ng mga libreng workshop ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ang mga balakid at ginagawang mas madali at abot-kaya ang pag-akses sa buong proseso para maging U.S. citizen.”
Ang mga aplikanteng taga San Francisco ay natutulungan din sa pagtustos sa mga gastusin sa aplikasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Lungsod sa lokal na non-profit na organisasyon na Mission Asset Fund. Tinatapatan ng Lungsod at County ng San Francisco ang 50% porsiyento ng mga binabayaran sa pamamagitan ng Mission Asset Fund, para duon sa mga aplikanteng naninirahan, nagtatrabaho o pumapasok sa mga paaralan sa San Francisco. Magagamit ng mga aplikante ang 50% na pantapat para mabayaran ang filing fee para sa naturalisasiyon o iba pang mga benepisyo sa imigrasiyon tulad ng para sa Temporary Protected Status (TPS), aplikasyon para sa green card, mga family petition, o renewal ng Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA).
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga paparating na libreng workshop sa citizenship, sumadya po sa: sfcitizenship.org. Para mag pagawa ng appointment, maaaring mag iwan ang mga aplikante ng mensahe sa alin man sa mga sumusunod na multilingual na hotline:
- English: 415-662-8901
- Espanyol: 415-662-8902
- Chinese: 415-295-5894
- Filipino: 415-498-0735
- Russian: 415-754-3818
- Vietnamese: 415-295-5894
###
Tungkol sa Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA)
Ang Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ay opisina para sa mga tuntunin, pagtupad, direktang serbicsyo at pagbibigay gawad. Layunin ng OCEIA na isulong ang mga ingklusibong tuntunin at pangalagaan ang mga programang pantulong sa mga imigrante patungo sa ganap na ingklusiyon sa larangan ng sibika, ekonomya at wikang ginagamit. Hangad ng OCEIA ng makita ang isang ligtas, nakikipag ugnayan at ingklusibong San Francisco kung saan lahat ay nakakapag ambag at yumayabong. Alamin ang higit pa: sf.gov/oceia
Tungkol sa San Francisco Pathways to Citizenship Initiative
Itinatag ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative nuong 2013 ng yumaong Mayor Edwin M. Lee bilang pakikipagtulungan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagitan ng mga lokal na foundation at ng Office of Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ng Lungsod at County ng San Francisco para isulong ang citizenship at sibikong partisipasyon sa kabuuhan ng mga imigrante sa San Francisco na maaari nang pag pa naturalize.
Ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ay binubuo ng mga sumusunod:
- Self-Help for the Elderly (lead agency)
- Asian Pacific Islander Legal Outreach
- Immigration Institute of the Bay Area
- Jewish Family and Children’s Services
- Jubilee Immigration Advocates
- La Raza Community Resource Center
- We RISE SF
Matuto pa: sfcitizenship.org