
Mapa ng Legacy na Negosyo
Maghanap ng mahigit 400 Legacy na Negosyo. I-filter ayon sa uri ng negosyo, kapitbahayan, o pangalan ng negosyo.Pumunta sa mapa
Heritage Happy Hour
Ang mga kaswal na pagpupulong na ito na “walang host” ay idinaraos sa naiibang Legacy Business bawat buwan. Hanapin ang susunod na kaganapan!

Legacy Walks
Pumili ng kapitbahayan at maranasan ang San Francisco sa pamamagitan ng mga Legacy na Negosyo nito!

Makakuha ng tulong para sa iyong Legacy Business
Ang Opisina ng Maliit na Negosyo (Office of Small Business) ay maaaring magbigay ng gabay sa pagpapaupa, pagbibigay ng permit, at marami pa!

Una sa bansa
Ang Programang Legacy na Negosyo ng San Francisco ang kauna-unahang programa sa Estados Unidos at nangunguna sa bagong pananaw sa pakikibahagi ng gobyerno sa pagpapanatili at pagtataguyod ng komunidad ng maliliit na negosyo. Ngayon, mahigit dalawampu’t apat na lungsod - at dumarami pa - ang may sarili nilang mga programa: Mga programang Legacy na negosyo sa buong bansa.
Mga Mapagkukunan para sa Mga Legacy na Negosyo
Higit pang mapagkukunan para sa maliliit na negosyo

Heritage Happy Hour: Huwebes, Pebrero 12 mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi
Samahan kami sa 111 Minna Gallery na matatagpuan sa 111 Minna St. sa kapitbahayan ng South of Market para sa susunod na Heritage Happy Hour, ang kaswal na buwanang pagtitipon na may tema na “walang host” ng mga propesyonal sa heritage, mga preservationist, mga miyembro ng Legacy na Negosyo, mga empleyado ng Lungsod, at mga kaibigang interesado sa pangangalaga ng katangi-tanging pagkakakilanlang pang-arkitektura at pangkultura ng San Francisco.
Ang 111 Minna Gallery ay ang nangungunang kontemporaryong galeryang pansining at espasyo para sa mga kaganapan sa San Francisco. Nagbibigay sila ng katangi-tanging lugar para sa mga eksibisyon ng sining, mga kaganapan sa kompanya, mga pagdiriwang ng kaaralan, mga salu-salo sa kasal, mga pagdiriwang tuwing holiday, mga pribadong pagtitipon, at iba pang mga espesyal na okasyon. Halos walang limitasyon sa kung paano nila mababago ang kanilang galerya upang umangkop sa iyong mga pangangailangan. Matatagpuan sa loob ng 111 Minna Gallery (21+ na venue) ang kumpletong café, bar, at espasyo sa pagtatrabaho na napapalibutan ng sining na nagbibigay ng inspirasyon. Halina’t bumisita upang mag-relax, kumonekta, o pukawin ang iyong pagkamalikhain.
Opsyonal: Magparehistro para sa kaganapan sa Eventbrite.
Magtagay tayo bilang pasasalamat sa mga Legacy na Negosyo na ginagawang tunay na espesyal ang San Francisco!
Balita at mga Ulat
Para sa mga Empleyado ng Lungsod

Ang aming Legacy sa San Francisco
Ang Programang Legacy na Negosyo ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng kultura ng lungsod, na tumutulong sa pagbibigay sa mga lokal na residente ng trabaho, pakiramdam sa lugar, at pakikibahagi sa komunidad. Ang pinakamahusay na paraan upang masuportahan ang mga negosyong ito ay bisitahin sila!Interaktibong mapa ng mga Legacy na NegosyoTungkol sa
Ang Legacy na Negosyo ay negosyong nagtutubo o hindi nagtutubo na nagpatakbo sa San Francisco sa loob ng 30 o higit pang mga taon. Kailangang nag-aambag ang negosyo sa kasaysayan ng kapitbahayan at/o pagkakakilanlan ng partikular na kapitbahayan o komunidad, at dapat itong mangako sa pagpapanatili ng mga pisikal na katangian o tradisyon na tumutukoy sa negosyo, kabilang ang likhang-kamay, pagluluto o sining.
Kasama sa proseso ng pagpaparehistro para sa Programang Legacy na Negosyo ang nominasyon ni Mayor Daniel Lurie o miyembro ng Board of Supervisors, nakasulat na aplikasyon, rekomendasyon sa pagpapayo Komisyon ng Makasaysayang Pagpapanatili (Historic Preservation Commission), at pag-apruba ng Komisyon ng Maliit na Negosyo (Small Business Commission).
Ang pagsasama sa Rehistro ay nagbibigay sa mga Legacy na Negosyo ng pagkilala at suporta bilang insentibo para sila ay manatili sa komunidad. Nagbibigay rin ang programa ng tulong na pang-edukasyon at pang-promosyon upang hikayatin ang kanilang patuloy na kakayahang manatili at magtagumpay sa San Francisco.
Mga ahensyang kasosyo
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Address
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Telepono
Programang Legacy na Negosyo
legacybusiness@sfgov.org