PAHINA NG IMPORMASYON

Mga programa para sa mga estudyanteng high school

Wala pa sa wastong gulang para makaboto? Maaari pa rin kayong makibahagi sa mga eleksyon!

Programa para maging Embahador ng mga Eleksyon

Kung kayo ay isang estudyante sa High School sa San Francisco, maaari kayong mag-aplay para maglingkod bilang isang Embahador ng mga Eleksyon sa panahon ng taunang mga Linggo para sa Edukasyon para sa mga Botante para sa High School sa California. Sa huling dalawang lingo sa Abril at Seytembre bawat taon, nagtatrabaho ang mga High School na mga Embahador sa mga Eleksyon para isulong ang rehistrasyon ng botante at sibikong pakikilahok sa kanilang mga komunidad.

44 na mga estudyante mula sa 14 na pampubliko at pribadong mga paaralan ang nakilahok sa programang Embahador ng mga Eleksyon sa Taglagas 2025. Sa kabuuan, matagumpay na nakapag-paunang rehistro ang mga Embahador ng mga Eleksyon sa Taglagas 2025 ng 291 mga susunod na botante ng San Francisco.

Lahat ng Elections Ambassadors ay dumalo sa isang personal na siyamnapung minutong training workshop. Pagkatapos makumpleto ang workshop, ang bawat Ambassador ay gagawa at nagpapatupad ng outreach plan upang paunang irehistro ang mga karapat-dapat na kabataan (16 at 17 taong gulang) at irehistro ang mga karapat-dapat na nasa hustong gulang upang bumoto.

Lahat ng matagumpay na kalahok sa programa ng Elections Ambassador ay tumatanggap ng sertipiko ng pakikilahok na nilagdaan ng Alkalde ng San Francisco, mga kilalang oras ng programa ng serbisyo sa komunidad upang isama sa kanilang mga aplikasyon sa kolehiyo at makakuha ng mahalagang karanasan sa pakikipag-ugnayan sa komunidad sa San Francisco Department of Elections.

Para sa higit pang impormasyon o para mag-sign up para sa Spring 2026 Elections Ambassador program, mangyaring bisitahin ang webpage na ito simula sa unang bahagi ng 2026. Ang mga aplikasyon para sa Spring 2026 High School Elections Ambassador program ay magbubukas sa Pebrero 2026.

Paunang pagpaparehistro ng botante

Kung kayo ay 16 o 17 taong gulang, maaari ninyong kompletuhin ang isang papel o online na form ng pagpaparehistro ng botante ngayon. Sa inyong ika-18 na kaarawan, gagawin naming aktibo ang rekord ninyo bilang botante at papadalhan namin kayo ng liham ng kumpirmasyon. Magsisimula rin kaming magpadala sa inyo ng mga opisyal na materyales pang-eleksyon.

Paglilingkod bilang Manggagawa sa Botohan

Kung kayo ay hindi bababa sa 16 taong gulang sa susunod na Araw ng Eleksyon, maaari kayong mag-aplay upang maglingkod bilang isang manggagawa sa botohan. Ang karanasang ito ay magandang tingnan sa inyong aplikasyon sa kolehiyo o resume. Makatatanggap din kayo ng bayad na aabot sa $245. Makikita ang Aplikasyon para maging High School na Manggagawa sa Botohan para sa susunod na eleksyon sa pahinang ito sa unang bahagi ng 2026.

Mock Election para sa Estudyante sa California

Maaaring makilahok ang mga High School sa San Francisco sa Mock Election para sa Estudyante sa California, isang programang pinangangasiwaan ng tanggapan ng Kalihim ng Estado ng California. Para alamin ang higit pa at malaman kung papaano pakapagpaparehistro ang inyong paaralan, bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado.

Kung may mga tanong kayo o gusto ng higit pang impormasyon tungkol sa mga programa para sa mga estudyante sa High School, mangyaring makipag-ugnayan sa pangkat para sa mga programa para sa High School sa hsp@sfgov.org.