SERBISYO
Kumuha ng pahintulot sa paggamit ng bangketa para sa iyong negosyo
Magparehistro sa paggamit ng bangketa sa harap ng iyong tindahan para sa upuan ng customer o display ng paninda. Walang kinakailangan na permit o bayad.
Public WorksAno ang dapat malaman
Gastos
LibreWalang kinakailangan na permit o bayad
Simula Agosto 2025, ang mga maliliit na negosyo ay hindi na nangangailangan ng permit o kailangang magbayad para maglagay ng mga mesa, upuan, o mga display ng paninda sa bangketa. Matuto ng higit pa tungkol sa pagbabago ng patakaran .
Ano ang dapat malaman
Gastos
LibreWalang kinakailangan na permit o bayad
Simula Agosto 2025, ang mga maliliit na negosyo ay hindi na nangangailangan ng permit o kailangang magbayad para maglagay ng mga mesa, upuan, o mga display ng paninda sa bangketa. Matuto ng higit pa tungkol sa pagbabago ng patakaran .
Ano ang gagawin
1. Magpasya sa iyong layout
Bago ka magparehistro, alamin kung paano mo gustong gamitin ang espasyo sa bangketa sa harap ng iyong negosyo.
Upang gawin ito:
- Suriin ang mga alituntunin sa disenyo upang maunawaan ang mga panuntunan.
- Sukatin ang iyong bangketa upang makita kung gaano kalaking espasyo ang maaari mong magamit. Dapat kang mag-iwan ng hindi bababa sa 6 na talampakan na malinaw para sa mga taong naglalakad.
- Tiyaking hindi mo hinaharangan ang mga pasukan, fire hydrant, ramp, o mga kanto na lugar.
- Planuhin kung saan ka maglalagay ng mga mesa, upuan, display, at diverter.
Maaari mong suriin ang lapad ng bangketa gamit ang mapang ito tungkol sa mga lapad ng bangketa mula 2014 . Ang ilang mga kalye ay maaaring nawawala o may hindi napapanahong impormasyon. Kung hindi ipinakita ang iyong block o mukhang mali ang data, maaari mong sukatin ng kusa o tantiyahin.
2. Punan ang registration form
Gamitin ang online na form upang sabihin sa amin kung paano mo planong gamitin ang bangketa.
Kakailanganin mong magbigay ng:
- Iyong Business Account na Numero
- Ano ang plano mong ilagay sa bangketa (mga mesa, upuan, paninda)
- Larawan ng iyong bangketa o isang simpleng sketch ng iyong layout (opsyonal)
Kasama rin sa form ang maikling checklist upang matulungan kang maiwasan ang mga karaniwang isyu sa kaligtasan.
3. Maghintay ng kumpirmasyon at i-set up ang iyong mga kasangkapan
Pagkatapos mong isumite ang form sa pagpaparehistro, makakatanggap ka ng email na nagpapaalam sa iyo kung awtomatiko kang nakarehistro o kung ang iyong aplikasyon ay nangangailangan ng pagsusuri.
- Kung sinabi ng iyong email na awtomatiko kang nakarehistro, maaari mong simulan kaagad ang pag-set up ng iyong kasangkapan o display ng paninda. Tiyaking tumutugma ang iyong setup sa inilarawan mo sa iyong form.
- Kung ang iyong aplikasyon ay nangangailangan ng pagsusuri, mayroong taga-Public Works ang makikipag-ugnayan sa iyo upang pag-usapan ang iyong layout bago ka mag-set up.
Mahahalagang paalala
- Responsibilidad mong sundin ang lahat ng mga panuntunan sa mga alituntunin sa disenyo
- Ang iyong setup ay dapat mag-iwan ng hindi bababa sa 6 na talampakan ng malinaw na bangketa para sa mga taong naglalakad.
- Dapat mayroon kang sariling insurance coverage. Ang Lungsod ay walang pananagutan para sa anumang mga paghahabol o pinsala na nagreresulta mula sa iyong pag-setup sa bangketa.
- Kung hinaharangan ng iyong layout ang pag-access, lumilikha ng panganib, o lumalabag sa mga panuntunan, maaari kang mapatawan ng mga multa o pagpapatupad ng lungsod.
- Kung lumalabag ang iyong setup sa Americans with Disabilities Act (ADA), maaari kang kasuhan at legal na managot o pinansyal na managot.