KUWENTO NG DATOS
Mga katangian ng populasyon ng COVID-19
Datos ng San Francisco sa mga pagkamatay sa COVID-19 ayon sa demograpiko.
Lahi o etnisidad
Napinsala ng COVID-19 ang mga komunidad na hindi puti nang higit pa kaysa ibang mga grupo. Ito ay resulta ng institusyonal na rasismo at estruktural na hindi pagkakapantay-pantay. Walang biyolohikal o henetikong pagkakaiba sa panganib ng COVID-19 ayon sa lahi. Sa pangkalahatan, ang mga tao sa iba’t ibang lahi ay nakikibahagi sa parehong mga hakbang sa pag-iwas.
Ipinapakita sa dashboard na ito ang paghahambing ng mga pagkamatay sa COVID-19 ayon sa lahi o etnisidad sa populasyon ng San Francisco. Kung ang lahat ng pangkat ng lahi o etnisidad ay naapektuhan sa parehong antas, ang porsyento ng mga pagkamatay ay katumbas ng porsyento ng populasyon. Kapag ang isang pangkat ng lahi o etnisidad ay kumakatawan sa isang mas mataas na porsyento ng mga pagkamatay kaysa sa populasyon, sila ay mas apektado kung gayon.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Pinagmulang datos ng mga pagkamatay
Ang mga pagtatantiya sa populasyon ng San Francisco ay mula sa 5-taong American Community Survey (Sarbey sa Komunidad ng Amerikano) sa 2022.
Ang mga pagkamatay sa COVID-19 sa mga indibidwal na kinilala bilang “Other” (Iba pa) o “Multi-racial” (Maraming Lahi) ay hindi ipinapakita sa dashboard na ito. Ang mga kategoryang ito ay hindi umaayon sa mga depinisyon ng American Community Survey. Nangangahulugan ito na hindi natin maihahambing ang mga pagkamatay sa populasyon. Kasama ang mga ito sa pampublikong dataset.
Hindi ipinapakita sa dashboard ang mga pagkamatay ng COVID-19 kung saan nawawala ang datos ng lahi o etnisidad. Kasama ang mga ito sa pampublikong dataset.
Tugon ng Lungsod
Ang pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng lahi ay isa sa mga pangunahing pagpapahalaga ng Lungsod. Basahin pa sa webpage ng San Francisco Office of Racial Equity (Tanggapan para sa Pagkakapantay-pantay ng Lahi sa San Francisco).
Nagkaroon ng napakalaking pagsisikap na magdala ng mga mapagkukunan sa mga komunidad na pinaka-napinsala. Marami sa mga pagsisikap na ito ay pinangunahan ng komunidad. Ipinagmamalaki ng Lungsod na makipagtulungan sa mga katuwang sa komunidad sa gawaing ito. Halimbawa, kami ay:
- Nakipagtulungan sa Latino Task Force
- Nakipagtulungan sa komunidad sa estratehiya sa pagsubok ng Lungsod
- Sinuportahan ang mga negosyong pag-aari ng mga Itim sa pamamagitan ng akses sa pinansyal na kapital at mga loan na walang interes
- Nakipagtulungan sa mga organisasyong pangkomunidad sa mga programa sa pag-akses sa bakuna
- Pinondohan ang mga inisyatiba para sa ekidad at kapitbahayan sa pamamagitan ng aming COVID Command Center
Kasarian
Ipinapakita sa dashboard na ito ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ayon sa kasarian.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Pinagmulang datos ng mga pagkamatay
Kinokolekta namin ang impormasyon sa pagkakakilanlan ng kasarian gamit ang mga alituntuning ito.
Alamin ang tungkol sa utos ng California na iulat ng lahat ng county ang datos na ito.
Maaaring magdulot ng panganib ng COVID-19 ang ilang partikular na salik na panlipunan na nauugnay sa pagkakakilanlan ng kasarian. Alamin pa ang tungkol dito sa GenderSci Lab COVID Project.
Ang pagsubaybay sa COVID-19 sa mga residenteng transgender at hindi sumusunod sa kasarian ay isang pangunahing priyoridad. Ang mga residenteng ito ay maaaring partikular na mahina dahil sa estruktural na hindi pagkakapantay-pantay at iba pang mga kadahilanan. Patuloy kaming nagsusumikap upang matiyak na ang mga residenteng ito ay may access sa pagsusuri, mga mapagkukunan, at suporta na maaaring kailanganin nila. Matuto nang higit pa tungkol sa mga serbisyo sa komunidad ng transgender.
Edad
Ang mga pagkamatay sa COVID-19 ay puro sa mga matatandang residente ng San Francisco.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Pinagmulang datos ng mga pagkamatay
Ang mga pagtatantiya sa populasyon ng San Francisco ay mula sa 5-taong American Community Survey (Sarbey sa Komunidad ng Amerikano) sa 2022.
Mga limitasyon ng datos
Ang datos sa mga katangian ng populasyon ng mga namatay sa COVID-19 ay mula sa:
- Mga ulat ng kaso
- Mga medikal na rekord
- Mga elektronikong ulat sa laboratoryo
- Mga sertipiko ng kamatayan
Maaaring hindi kaagad makukuha ang datos na ito para sa naiulat na pagkamatay kamakailan. iniaa-update ang datos habang nagiging makukuha ang higit pang impormasyon.
Kasama sa mga pinagsama-samang kabuuan sa page na ito ang lahat ng pagkamatay na nakumpirma sa San Francisco mula nang magsimula ang pagsusuri noong huling bahagi ng Pebrero 2020.
Upang maprotektahan ang pagkapribado ng residente, ibinubuod namin ang datos sa COVID-19 sa pamamagitan lamang ng isang katangian sa bawat pagkakataon. Hindi ipinapakita ang datos hanggang umabot sa lima o higit pa ang pinagsama-samang pagkamatay sa buong lungsod.
Ang datos na ito ay maaaring hindi mabilang ang ilang partikular na minorya. Ang mga residenteng nahaharap sa stigma o diskriminasyon sa mga medikal na setting ay maaaring hindi gustong magbahagi ng ilang impormasyon. Halimbawa, ang stigma ay maaaring magresulta sa isang pasyente na hindi nagbabahagi ng pagkakakilanlan ng kanyang kasarian. May mga hindi pagkakapantay-pantay sa kalusugan at mga hadlang sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong hindi cisgender at hindi heterosexual.
Ang pagkalat at kalubhaan ng COVID-19 ay kumplikado. Naapektuhan nito ang mga residente batay sa magkakapatong na layer ng estruktural na hindi pagkakapantay-pantay. Nangangahulugan ito na maaaring may mga interseksyon ng mga populasyon na partikular na apektado. Halimbawa, mahahalagang manggagawa sa isang partikular na pangkat ng edad ng isang partikular na etnisidad. Para sa kadahilanang ito, dapat mong bigyang-kahulugan ang datos na ito nang ayon sa konteksto. Ang mga indibidwal na konklusyon ay dapat tratuhin nang may pag-iingat.