PAHINA NG IMPORMASYON

Malapit na: Mga Umuusbong na Teknolohiya RFQ

Ikinagagalak naming ibalita na sa huling bahagi ng tagsibol na ito, ang Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Lungsod at ang Departamento ng Teknolohiya ay maglalabas ng isang kahilingan para sa mga Kwalipikasyon (Request for Qualifications o RFQ) habang hangad naming lumikha ng isang grupo ng mga kumpanya na nagbibigay ng mga produkto, software, at serbisyong pinapagana ng mga umuusbong na teknolohiya tulad ng AI. Ang grupong ito ay isang dalawang-taong pilot ng isang bagong balangkas ng pagkuha upang paganahin ang mas matalinong pagkuha at pagsubok ng teknolohiya sa Lungsod.

Kaligiran

Bilang isang Lungsod, patuloy kaming nagsusumikap na mapabuti ang paraan ng aming pagnenegosyo upang makapaghatid ng mga serbisyo sa mga taga-San Francisco, kabilang ang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Bilang tahanan ng AI, nasasabik kami sa pangako ng AI na tutulong sa amin na gawin ang aming trabaho para sa publiko nang mas epektibo – at kinikilala rin namin ang pangangailangang suriin ang mga bagong tool upang matiyak na malulutas nito ang mga hamon habang binabawasan ang mga panganib, kabilang ang bias, hindi tumpak o nakaliligaw na mga output, mga alalahanin sa privacy at seguridad, at pagguho ng tiwala ng publiko.

Para sa mga layuning iyon, ginagawa namin ang RFQ pool na ito ng mga Emerging Technologies upang paganahin ang aming mga departamento na ligtas na mag-eksperimento sa mga umuusbong na teknolohiya nang sa gayon ay matiyak naming nakukuha namin ang mga tamang kagamitan sa tamang presyo upang matugunan ang aming mga pangangailangan at ang publiko.

Sumali sa pool

Inaasahan namin ang paglalabas ng RFQ solicitation ngayong tagsibol, at ang mga interesadong kumpanya ay maaaring mag-apply para sumali sa pool anumang oras. Pakitandaan na ang mga kumpanya ay dapat matugunan ang ilang Minimum na Kwalipikasyon upang makasali sa pool, na ilalathala sa solicitation. Kapag nailabas na, ang solicitation ay matatagpuan sa SF City Partner Portal .

Kapag nasa pool ka na

Kapag ang inyong kompanya ay nasa pool na, ang mga departamento ng Lungsod ay hihingi ng mga panukala para sa mga partikular na proyekto. Sa una, ang Lungsod ay hihingi ng mas mababang halaga, mas maikling termino engagement (pakikipag ugnayan sa mga kliyenteng nasa lansangan) at kontrata habang ligtas naming sinusubukan ang produkto o serbisyo ayon sa aming mga pangangailangan. Kung ang eksperimento ay magtagumpay, hihingi kami ng mas pangmatagalang kontrata habang ipinapatupad namin ang bagong teknolohiya sa aming mga operasyon.

Interesado?

Kung interesado ang iyong negosyo na makipagtulungan sa isang gobyerno na nangunguna sa inobasyon at matalino at etikal na pag-aampon ng mga umuusbong na teknolohiya, mangyaring isaalang-alang ang pag-aaplay upang sumali sa RFQ pool sa sandaling mailabas ang solicitation ngayong tagsibol. Hanggang sa panahong iyon, maaari mong ipahiwatig ang iyong interes dito , at aabisuhan ka namin kapag nai-post na ang RFQ.