KAMPANYA
Community Benefit Districts (CBD)
KAMPANYA
Community Benefit Districts (CBD)


Mga karaniwang pangalan para sa mga distritong ito
Sa San Francisco, ang mga distritong ito ay pangunahing kilala bilang Community Benefit Districts (CBDs).
Sa 2025, kasalukuyang may 16 na aktibong CBD.
Ang mga CBD ay lahat pinatatakbo ng mga grupong nakabase sa kapitbahayan at pinondohan ng mga pagtatasa ng ari-arian.
Sa buong Estados Unidos, ang mga CBD ay kilala rin sa iba't ibang pangalan kagaya ng:
- Community Improvement Districts (CIDs)
- Property Business Improvement Districts (PBIDs)
- Business Improvement Districts (BIDs)
- Business Improvement Areas (BIAs)

Pagbuo at pamamahala ng CBD sa San Francisco
Pagbuo ng CBD
Ang pagbuo ng CBD ay nangangailangan ng malakas na suporta mula sa mga may-ari ng ari-arian at negosyo.
Maaari itong maging multi-year na proseso at naka-organisa sa 3 yugto:
1. Feasibility (kakayahan) at pagpaplano
2. Pagbuo at Pakikipag-ugnayan
3. Lehislatibong awtorisasyon
Kapag naitatag ang CBD, maaaring gumawa ng nonprofit na organisasyon upang pamahalaan ito. Karamihan sa mga distrito ay may Executive Director, ngunit ang bilang ng mga miyembrong kawani ay nakasalalay sa budget at mga pangangailangan ng distrito.
Kapag nabuo ang distrito
Ang mga distrito ay may pananagutan sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga nasa loob ng mga hangganan nito. Kabilang dito ang mga taong nagbabayad ng mga pagtasa.
Ang Board of Directors, na binubuo ng mga may-ari ng ari-arian at negosyo at mga stakeholder ng komunidad, ay tumutulong na:
- Tiyakin ang pananagutan
- Gabayan ang CBD batay sa mga dokumentong namamahala nito (tinatawag na plano sa pamamahala)
Ang OEWD ay nagbibigay ng pangangasiwa at teknikal na tulong.

Mga programa at serbisyo ng Community Benefit District
Pinopondohan ng CBD ang mga programa at serbisyo na tinutukoy ng mga stakeholder ng komunidad bilang mga priyoridad na lugar.
Binabalangkas ng plano ng pamamahala ng bawat distrito ang mga priyoridad ng kanilang kapitbahayan.
Karaniwang nakatuon ang mga serbisyo sa pagpapanatiling malinis at maayos ang mga pampublikong espasyo. Mahigit sa $25 milyon o 70% ng iniulat na Kita ng CBD/BID Assessment ay napunta sa Ligtas at Malinis na pagsisikap noong FY 2023-2024 . Mahigit sa 3 milyong libra ng basura ang nakolekta sa parehong panahon ng pag-uulat na ito.
Madalas ding kasama sa mga serbisyo ang kaligtasan ng publiko, pag-unlad ng ekonomiya, at marketing sa kapitbahayan.

Pagpopondo para sa mga serbisyong ito
Pinopondohan ng mga may-ari ng ari-arian ang mga CBD sa pamamagitan ng karagdagang pagtatasa.
Lahat ng may-ari ng ari-arian sa loob ng CBD ay sumasailalim sa mga pagtatasang ito.
Maaari ding makalikom ng pondo ang CBD at mag-apply para sa mga gawad.
Ang mga budget ay nakadepende sa kung gaano kalaki ang distrito at ang mga uri ng serbisyong ibinibigay nito.

Mga distritong partikular sa sektor
Bilang karagdagan sa mga distritong nakapokus sa kapitbahayan, ang San Francisco ay may 2 distritong partikular sa sektor, ang Tourism Improvement District (TID) at Moscone Expansion District (MED).
Ang mga pagtatasa sa kita ng hotel room ang nagpopondo sa mga distritong ito. Ang SF Travel ay tumatanggap ng bahagi ng mga pondong ito upang suportahan ang kanilang gawaing nagpo-promote ng San Francisco.
Ang Moscone Convention Center ay tumatanggap din ng mga pondo upang suportahan ang pagpapalawak nito at pagpapanatili ng mga pasilidad nito sa convention

Mga mahahalagang katotohanan tungkol sa mga CBD
Sinasaklaw ng mga CBD sa San Francisco ang 20% ng lahat ng lupain sa lungsod na naka-zone na commercial
Mula noong 2015, 7 CBD ang lumawak o nag-renew, at 6 na bagong distrito ang nabuo
Pinapanatili ng mga CBD ang 37 na pampublikong plaza, parke, at mga lugar na pagtitipon sa buong lungsod
Karagdagang 35 na mga proyekto sa pagpapaganda ang nakumpleto ng CBD sa FY 2023-2024
Noong FY 23-24, sinuportahan ng CBD ang 850 na kaganapan sa komunidad

Pag-unlad ng ekonomiya
Ang mga pinuno ng Lungsod at CBD ay lumikha ng action plan upang bigyan ng bagong buhay ang Union Square at Yerba Buena, mga nangungunang lugar para sa shopping at hospitality sa Lungsod.
Ang mga pakikipagsosyong tulad nito ay isang pangunahing halimbawa ng aksyon sa pag-unlad ng ekonomiya. Pinalalakas nila ang lokal na ekonomiya at pinapahusay ang kapakanan ng komunidad.
Sa kasong ito, nakakamit ito sa pamamagitan ng:
- Pagsuporta sa kasalukuyang sining, kultura, at negosyo
- Paglulunsad ng mga bagong inisyatiba sa pag-akit ng mga bisita at lumikha ng makulay na mga pampublikong lugar

Pag-champion sa mga komunidad
Ang mga CBD ay kadalasang tumutulong sa pagsasama-sama ng mga tao upang gumawa ng mga proyekto sa kapitbahayan.
Halimbawa, ang Tenderloin CBD ay nakipagsosyo sa SFMTA upang tumulong sa pag-orgnisa ng komunidad sa panahon ng Tenderloin Traffic Safety Improvements Project.
Ang pakikipagsosyong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa komunidad sa pakikisalamuha nito sa pagtukoy sa mga isyu sa trapiko at bumuo ng mga solusyon para sa lahat, na gawing mas ligtas ang mga lansangan.

Marketing sa kapitbahayan
Ang marketing ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng pagkakakilanlan ng komunidad.
Halimbawa, ang makulay na mga banner ng kalye ng Japantown CBD ay nakakatulong higit pa sa pagtulong sa pag-navigate. Lumilikha sila ng pakiramdam ng lugar na umaakit ng mga bisita at nagpapatibay sa pagmamalaki ng kapitbahayan.
Tumutulong din sila sa pagpapatupad ng mga layunin sa marketing sa Lungsod at komunidad na tinukoy para sa Japantown sa Cultural, History, Housing & Economic Sustainability Strategy (JCHESS) (PDF).
Mga Pangunahin Tungkol sa CBD
Tuklasin ang papel na ginagampanan ng Mga Community Benefit District sa pagsuporta sa mas malinis, mas ligtas, at mas makulay na mga kapitbahayan sa videong ito na may mabilisang pagpapaliwanag.

Sinusuportahan ng mga serbisyo ng CBD ang maliliit na negosyo, nonprofit, at mga organisasyong pangkomunidad upang palakasin ang mga business corridor ng San Francisco, mga pampublikong lugar, at mga sentrong pangkomersyo.
Matuto Pa
Kasalukuyang portfolio ng CBD
Ang mga CBD ng San Francisco ay pangunahing nag-iiba-iba ayon sa laki at lokasyon ng kanilang budget.
- Pitong distrito ang nagpapatakbo na may taunang budget na mababa sa $1 milyon, na karaniwang may $580,000 bawat isa.
- Ang mga CBD na ito ay kadalasang nailalarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing koridor ng kalye na napapalibutan ng mga residensyal na lugar, na may halong retail at ilang pang-opisina na espasyo.
- Ang siyam na distrito ay may mga budget na lampas sa $1 milyon, na karaniwang may $5 milyon bawat isa.
- Ang mga distritong ito ay madalas na pangunahing mga opisina, retail space, transit hub, at residential na paggamit.
Tingnan ang CBD Portfolio at Kumonekta sa isang CBD
Ang mga distritong ito ay kabilang din sa isang hiwalay na grupong pinamumunuan ng miyembro na sumusuporta sa pakikipagtulungan: ang San Francisco Benefit District Alliance . Ang Alliance ay idinisenyo upang itaguyod ang mga karaniwang interes ng mga distrito ng benepisyo ng komunidad at mga distrito ng pagtatasa ng pag-aari at negosyo sa loob ng San Francisco. Ang mga miyembrong distrito ay nagtutulungan upang mapahusay ang epekto ng kanilang mga programa sa buong lungsod.
Bumuo ng CBD
Ang pagbuo ng CBD ay isang proseso inaabot ng maraming taon na nangangailangan ng malakas na suporta mula sa mga may-ari ng ari-arian at negosyo.
Ito ay inoorganisa sa 3 yugto:
- Feasibility at Pagpaplano
- Pagbuo at Pakikipag-ugnayan
- Legislatibong Awtorisasyon
Ang mga distrito ay may pananagutan sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga nasa loob ng mga hangganan nito. Kabilang dito ang mga taong nagbabayad ng mga pagtatasa.
Ang Board of Directors, na binubuo ng mga may-ari ng ari-arian at negosyo at mga stakeholder ng komunidad, ay tumutulong na:
- Tiyakin ang pananagutan
- Gabayan ang CBD batay sa mga dokumentong namamahala nito (tinatawag na plano sa pamamahala)
- Ang OEWD ay nagbibigay ng pangangasiwa upang matiyak ang pagsunod
Paghahatid ng mga serbisyo sa labas ng CBD framework
Maaaring gumamit ang mga organisasyon ng mga boluntaryo o iba pang grupo upang magbigay ng mga serbisyo nang hindi bumubuo ng CBD.
Gayunpaman, ang kita na nakabatay sa pagtatasa ng CBD ay nagbibigay ng mahuhulaang daloy ng pagpopondo para sa mga pagpapatakbo at pagpapabuti.
Upang humiling ng hindi pang-emergency na mga serbisyo ng Lungsod, gamitin ang 311. Ang mga kahilingan ay maaaring gawin online, sa mobile app, o sa pamamagitan ng telepono 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
Mga ulat ng CBD
Mga plano at ulat kaugnay sa mga Community Benefit Districts (CBD) at Business Improvement District (BIDs) ng San Francisco.
Malinis, Ligtas, at Masigla: Mga Distrito ng Benepisyo ng Komunidad ng San Francisco [VIDEO]
2022 San Francisco Property & Business Improvement District (PBID) Program Impact Analysis
2012 Impact Analysis of San Francisco’s Property & Business Improvement District (CBDs/BIDs)
Pagpapagana ng batas (enabling legislation)
Ang programa ng Property and Business Improvement District (PBID) ng Lungsod at County ng San Francisco, na lokal na kilala bilang Community Benefit Districts (CBDs) at Business Improvement Districts (BIDs), ay itinatag noong 2004 na may programang teknikal na tulong sa pamamagitan ng San Francisco Office of Economic and Workforce Development at ang pagpasa ng Artikulo 15 ng Business and Tax Regulations Code.
1994 Act
- California Streets and Highways Code §§36600 et seq. (Property and Business Improvement District Law of 1994)
Artikulo 15
- San Francisco Business and Tax Regulations Code, Article 15 (Business Improvement Districts Procedure Code)
Mga mapagkukunan ng OEWD
Galugarin ang iba't ibang mga mapagkukunan, kabilang ang mga opsyon sa pagpopondo, suporta sa maliit na negosyo, mga permit, at mga gawad, na iniakma upang matulungan kang simulan, palaguin, at ipagpatuloy ang iyong negosyo sa San Francisco.
