KOLEKSYON NG MAPAGKUKUNAN

Kumuha ng personal na tulong sa kawalan ng tahanan sa San Francisco

Bumisita sa Access Point para kumonekta sa mga case worker na nakatuon sa pabahay at pag-iwas na mawalan ng tirahan sa Lungsod.

Homelessness and Supportive Housing

Ano ang aasahan sa Access Point

Ang mga access point ay mga sa-personal na lokasyon kung saan ikinokonekta ka ng aming Coordinated Entry (Pinag-ugnay-ugnay na Pagpasok sa Serbisyo) team sa mga serbisyo at mapagkukunan. Tinatasa ng aming team ang iyong mga pangangailangan at tinutulungan kang malaman ang iyong mga opsyon. 

Pumili ng Access Point na bibisitahin

Pumili ng lokasyon ng Access Point batay sa iyong edad at katayuan ng pamilya:

  • Nasa Hustong Gulang: sinumang mahigit sa edad na 18 (walang anak)
  • Pamilya: mga nasa hustong gulang at pamilyang may mga anak na wala pang 18 taong gulang
  • Kabataang Nasa Transisyonal na Edad: nasa mga edad na 18 hanggang 24
  • Mga Nakaligtas: mga nakaligtas sa iba’t ibang uri ng karahasan anuman ang edad
  • Mga menor de edad na walang kasama: wala pang 18 taong gulang
  • Pangmagdamagang shelter para sa nasa hustong gulang: lahat ng taong mahigit 18 taong gulang

Mga Resource Card

Nagbibigay kami ng mga mapi-print na resource card para sa mga taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan sa Ingles, Tsino, Filipino, at Espanyol.

  • Resource Card ng HSH para sa Nasa Hustong Gulang at Nakababatang Nasa Hustong Gulang
  • Resource Card ng HSH para sa Pamilya

Mag-click dito para ma-access ang lahat ng resource card. Mangyaring tandaan: Maaaring magbago ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at mga oras. Sumangguni sa mga pahina ng website ng access point sa itaas para sa mga pinakabagong detalye.

Mga diskwento

Maaaring magkaroon ng mga diskwento sa multa at bayad kung mayroon kang ginawang pagtatasa sa Access Point sa loob ng nakaraang 6 na buwan.
Magtanong sa tauhan ng Access Point tungkol sa:

  • Mga libreng Muni pass
  • Isang beses na waiver para sa mga gastos sa pag-tow at pag-imbak
  • Isang beses na waiver sa multa sa “boot”
  • Mga may diskwento kapag natiketan 

Alamin pa sa website ng SFMTA

Administratibong Pagrerepaso ng Coordinated Entry

Kung nakilahok ka sa Paglutas ng Problema at Coordinated Entry sa isang Access Point at hindi natukoy bilang nasa Katayuan ng Referral sa Pabahay, ang iyong pagtatasa ay maaaring masuri sa pamamagitan ng proseso ng Administratibong Pagrerepaso ng Coordinated Entry.

Ang Administratibong Pagrerepaso ay maaaring isumite ng case manager, clinician, o provider na nakikipagtulungan sa iyo. Ikaw mismo ay hindi maaaring magsumite ng Administratibong Pagrerepaso. Makipag-ugnayan sa iyong case manager, clinician, o provider para sa higit pang impormasyon.

Patakaran sa Administratibong Pagrerepaso ng Coordinated Entry