PAHINA NG IMPORMASYON

Panukala 218: Paunawa para sa Mga Iminungkahing Rate ng Pagtanggi

Ang Proposisyon 218 ay isang susog sa Konstitusyon ng California na nag-aatas sa mga ahensya ng gobyerno at mga utility na ipaalam sa mga may-ari ng ari-arian ang mga iminungkahing pagbabago sa mga rate para sa mga serbisyo. Ang isang nakasulat na paunawa ay dapat ipadala sa mga may-ari ng ari-arian 45 araw bago ang isang nakatakdang pampublikong pagdinig tungkol sa mga iminungkahing pagbabago.

Panukala 218 Abiso sa Mga May-ari ng Ari-arian

Proseso para sa Pagtatakda ng mga Singil sa Publiko

Español |中文| Filipino | Tiếng Việt

Maaaring baguhin ng Lupon ng Rate ng Pagtanggi ng Lungsod ang pinakamataas na mga rate para sa pangongolekta at pagtatapon ng mga basurang tirahan sa San Francisco, huling naaprubahan noong 2023. Ang prosesong ito ay pinamamahalaan ng Ordinansa sa Pagkolekta at Pagtatapon ng Pagtapon ng Lungsod (San Francisco Health Code, seksyon 290). Alinsunod sa Ordinansang ito, ang Lunsod ay nagtalaga ng Administrator ng Mga Rate ng Pagtanggi na responsable para sa pagrepaso sa mga panukala sa pagsasaayos ng rate at paggawa ng mga rekomendasyon sa Lupon ng Rate ng Pagtanggi na may layuning magtakda ng makatarungan at patas na mga rate. Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring magsumite ng mga nakasulat na pagtutol o komento sa Administrator ng Refuse Rates bago ang ika-18 ng Hunyo sa: forms.office.com/g/NwaHLG092S

Maaari rin silang magbigay ng mga personal na komento sa Refuse Rate Board Hearings, kung saan susuriin ng Rate Board ang panukala ng Administrator.

Maaaring tingnan ng mga miyembro ng publiko ang higit pang mga detalye tungkol sa Proseso ng Pagtatakda ng Rate .

Mga petsa at lugar ng mga pagdinig

Saan: San Francisco City Hall

Kailan:

Mayo 30, 2025
9:30 a.m.-12:30 p.m. | Room 416

Hunyo 25, 2025
12:30 p.m.-3:30 p.m. | Room 400

Karagdagang mga Pagdinig (kung kinakailangan):

Hulyo 14, 2025
1:00 p.m.-4:00 p.m. | Room 416

Hulyo 29, 2025
1:00 p.m.-4:00 p.m. | Room 416

Ano-anong serbisyo ang popondahan ng mga singil sa basura?

Popondohan ng mga singil para sa serbisyo ng pangongolekta ng basura, na babayaran ng mga kostumer, ang komprehensibong hanay ng mga pagsusumikap para sa pamamahala ng basura at pagpapanatiling maayos ang kapaligiran ng San Francisco. Babayaran ng mga singil sa basura ang komprehensibong pangkat ng mga serbisyong inihahandog ng Recology sa mga residente ng San Francisco, kasama na ang:

• Lingguhang pangongolekta sa bangketa ng nare-recycle o napapanibago, organikong itinatapon na natural na nabubulok o organics, at basura
• Transportasyon, pagpoproseso, pagko-compost, at pagtatapon sa landfill o nakatalagang tapunan ng basura
• Kalinisan ng mga kalye sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga pampublikong basurahan at pagtatanggal sa mga itinapon nang labag sa batas
• Mga programang pangkapaligiran na sumusuporta sa pagre-recycle, pagko-compost, muling paggamit, at pagtatapon ng elektronikong kagamitan (e-waste)
• Mahahalagang serbisyo tulad ng taunang pagre-recycle ng mga puno na nasa bangketa, pagkuha ng malalaking bagay na itinatapon, pangongolekta sa mapanganib na basura mula sa kabahayan, mga pagtitipon para sa pamamahagi ng compost na magagamit sa paghahardin (compost giveaways), at mga pagtitipon para sa paglilinis sa kabuuan ng distrito at mga pagtitipon kung saan pinahihintulutan ang mga residente na responsableng magtapon ng malalaking bagay.

Sinusuportahan din ng singil sa basura ang pagsunod sa pang-estado at lokal na mga batas na pinamamahalaan ang basura at ang pagre-recycle, at tinitiyak din na tuloy-tuloy na tumatakbo, sumusunod sa batas, at napananatili sa maaayos na kondisyon ang pansolidong basura na mga imprastrukturang sumusuporta sa San Francisco

Plano para sa Mungkahing Pagtatakda ng Halaga ng Singil

Nakatanggap na ang Tagapangasiwa ng mga Singil para sa Basura ng mungkahi mula sa Recology na baguhin ang halaga ng singil sa basura sa loob ng susunod na tatlong taon, at magsisimula ito sa Oktubre 1, 2025. Babaguhin ng mungkahing pagtataas ng singil ng Recology ang halaga ng singil upang sapat na masakop ang mga gastos, kasama na ang pagtataas ng gastos sa negosyo, mas mababa sa inaasahan na kita nitong nakaraang taon, at mga gastos sa mas mataas na buwis sa pagnenegosyo nang dahil sa Prop M 2024. Binago na rin ang halaga ng singil upang mapaghusay ang serbisyo sa pagkuha sa abandonadong mga bagay at karagdagang mga pagsusumikap upang makapagbigay ng bagong direksiyon tungo sa pagre-recycle at pagko-compost sa basurang papunta na sana sa landfill.

Magmumungkahi ang Tagapangasiwa ng mga Singil para sa Basura ng bagong plano para sa pagtatakda ng halaga ng singil sa Lupon sa Pagsingil para sa Basura batay sa pag-aaral niya sa aplikasyon ng Recology. Kinakatawan ng mungkahi ng Tagapangasiwa ng mga Singil para sa Basura ang $50 milyon na matitipid ng mga nagbabayad ng singil kung ihahambing sa mungkahi ng Recology, at nabuo ito batay sa pag-aaral ng lahat ng gastos at kita na kaugnay ng mga serbisyo ng Recology sa mga nasa residensiyal na gusali na nagbabayad ng singil. Kasama na rito ang mga pagbabagong dahil sa tinataya na pagkalahatang pagtataas ng presyo o inflation, gastos sa pagbabayad sa mga suweldo at sa administratibong gawain, at inaayon din nito ang minsanang kita sa minsanang gastos. Ginawa ang lahat ng pagbabagong ito upang matiyak na makatarungan at makatwiran ang lahat ng pagtataya sa mga gastos at kita. Magtatakda rin ang Tagapangasiwa ng mga Singil para sa Basura ng mas mahigpit na pagkontrol sa gastos at ng pagpapalawak sa mga kinakailangan sa pag-uulat, at nang sa gayon, masuportahan ang mga responsibilidad sa pagsubaybay sa mga singil.

Pagpoprotesta sa Pagtataas ng mga Singil para sa Basura sa Ilalim ng Proposisyon 218

Pormal na maaaring magprotesta ang mga may ari-arian laban sa mungkahing pagtataas ng singil sa basura. Kung mayorya ng mga may-ari ng residensiyal na gusali ang magsusumite ng nakasulat na protesta, hindi maaaring aprubahan ng Lupon sa Pagsingil para sa Basura ang bagong mga singil.

Kung Paano Magsumite ng Protesta

Magsumite ng nakasulat na protesta bago magtapos ang pampublikong pagdinig sa Hunyo 25, 2025, o kung magpapatuloy ang mga pampublikong pagdinig hanggang Hulyo, bago ang pagtatapos ng huling pagdinig sa Hulyo 2025.

Mga Paraan ng Pagsusumite:

Sa Pamamagitan ng Koreo: Office of the Controller, Attn: Refuse Rates Administrator, San Francisco City Hall, Room 316, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA 94102

Nang Harap-harapan o In-Person: Refuse Rate Board Hearing at City Hall Room 400, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco CA, 94102. Hunyo 25, 2025 | 12:30-3:30 p.m.

Mga Kinakailangan sa Pagsusumite ng Protesta

1. Malinaw na isaad ang pagsalungat sa mungkahing mga singil
2. Isama ang kinaroroonan ng ari-arian (numero ng parsela o pag-aaring lupa, address, o account)
3. Ibigay ang inyong pangalan at lagda

Hindi bibilangin ang mga pasalitang komento lamang at kinakailangan ang nakasulat na protesta. Iisang protesta lamang kada parsela ang maaaring isumite.

Kailangan ba ninyo ng espesyal na tulong o mga akomodasyon kaugnay ng kapansanan?

Kontakin ang Tagapangasiwa ng mga Singil para sa Basura sa con.refuserates@sfgov.org o tumawag sa (415) 554-7500 nang hindi bababa sa 48 oras bago ang pagdinig.