PAHINA NG IMPORMASYON
Pansamantalang tirahan para sa mga pamilya at mga buntis
Humanap ng agarang tulong para sa mga pamilya o mga buntis na nakakaranas ng kawalan ng tirahan sa San Francisco.
Programa para sa Stay Over ng Family Shelter na Nakabatay sa Paaralan
Ang School Based Family Shelter Stay Over Program ay isang self-referral program na nagbibigay ng agarang tirahan sa mga pamilyang nakararanas ng kawalan ng tirahan at may kahit isang bata na naka-enroll sa San Francisco Unified School District.
Upang ma-access ang programang ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Mission Action para sa pagpapareserba ng shelter placement:
- Tumawag: 415-879-4316
Mga Operasyon ng Shelter:
- 7 PM hanggang 7 AM (Sa panahon ng School Operations)
- 24 na oras / 7 araw sa isang linggo (Sa panahon ng Pagsara ng Paaralan at mga Piyesta Opisyal)
Urgent Accommodation Hotel Voucher (UAV)
Mga Pamilya at Mga Buntis
Programa ng Compass Family Services UAV
Ang 14-Day Urgent Accommodation Voucher (UAV) for Families and Pregnant People ay isang limitadong self-referral program na nagbibigay ng agarang tirahan sa mga pamilyang nakakaranas ng maikli at mabilis na nareresolba na panahon ng kawalan ng tirahan habang nasa proseso ng paglipat sa isang placement ng pabahay. Para ma-access ang program na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Compass Family Services UAV Program para magtanong tungkol sa availability ng kuwarto.
Telepono : 415-340-0572
Nakaligtas sa Karahasan
St. Vincent de Paul UAV Program
Ang 14-Day Emergency Placement Urgent Accommodation Voucher (UAV) para sa mga Survivors of Violence ay isang self-referral program na nagbibigay-daan sa mga pamilyang nakakaranas ng kawalan ng tirahan at pagtakas:
- Karahasan sa intimate partner
- Sekswal na pag-atake
- Human trafficking
Telepono : 415-940-2864 o 415-940-2866