PAHINA NG IMPORMASYON
Ordinansa sa Minimum Wage
Ang mga employer ay kinakailangang magbayad ng hindi bababa sa minimum wage (pinakamababang sahod na pinahihintulutan ng batas) ng San Francisco sa mga empleyadong may ginagampanang trabaho sa San Francisco, kabilang ang mga part-time at pansamantalang empleyado.
Ang mga empleyadong may ginagampanang trabaho sa San Francisco, kabilang ang mga part-time at pansamantalang empleyado, ay dapat bayaran ng hindi bababa sa minimum na sahod ng San Francisco, na kasalukuyang nasa $19.18.
Ang halaga ng minimum wage ng San Francsico ay iaakma batay sa taunang pagtaas sa Indise ng Presyo para sa Konsumidor (Consumer Price Index). Ang pagtaas na ito ay nakabatay sa Artikulo 1.4 ng Kodigo ng Paggawa at Trabaho ng San Francisco.
Tandaan: Ang maliit na bilang ng “Mga Empleyadong Suportado ng Gobyerno” ay napapailalim sa halaga ng minimum wage na$ 16.97 sa Hulyo 1, 2025. Mag-click dito para sa higit pang impormasyon.
Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa minimum wage ng San Francisco o gusto mong magsumbong ng paglabag sa batas, punan ang form ng reklamo, tumawag sa 415-554-6292 o mag-email sa mwo@sfgov.org.
Form ng Reklamo sa Ordinansa sa Minimum Wage (MWO).
Poster
Poster ng Minimum Wage - epektibo sa Hulyo 1, 2025 - Hunyo 30, 2026
I-print ang poster sa 8.5” x 14” na papel. Dapat ipaskil ng mga sakop na employer ang poster na ito sa bawat lugar ng pinagtatrabahuhan o lugar ng trabaho kung saan madali itong mababasa ng mga manggagawa.
Legal na Awtoridad
Noong 2003, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ay ang lokal na minimum wage, na naging unang lokal na hurisdiksyon na magpasa ng halaga ng minimum wage na mas mataas sa minimum wage ng pederal at estado. Noong 2014, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ang bagong inisyatiba upang taasan ang lokal na minimum wage sa $15.00 kada oras pagsapit ng Hulyo 1, 2018, at upang ayusin ang sahod bawat Hulyo 1 pagkatapos noon batay sa taunang pagtaas sa Indise ng Presyo para sa Konsumidor.
Mga mapagkukunan
- Kasaysayan ng mga Halaga ng Minimum Wage sa San Francisco
Taon 2004-2025 - Pagpapatupad ng mga Pamantayan sa Paggawa ng California (California Division of Labor Standards Enforcement, DLSE)
- Departamento ng Paggawa ng Estados Unidos (U.S. Department of Labor)
Mga mapapanood na video
Mga Desisyon sa Pagdinig
Makipag-ugnayan sa amin
Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa minimum wage ng San Francisco o gusto mong magsumbong ng paglabag sa batas, tumawag sa 415-554-6292 o mag-email sa mwo@sfgov.org.
Maaari kang magsampa ng reklamo kung naniniwala kang nilabag ang iyong karapatan sa minimum wage.