Ang trabaho ko ay CEO.

Ang aking mga kwalipikasyon ay:

Mahalaga ang karanasan sa Lupon ng Paaralan, at nagdadala ako ng 35 taong karanasan sa pagtutulungang paglutas ng mga problema at pagkumpleto ng mga bagay. Ito ang ginagawa ko araw-araw bilang CEO ng isang SF healthcare company na may 500+ na empleyado. Ang pamamahala sa mga $1B na badyet ay hindi banyaga sa akin. Sa katunayan, nagtrabaho ako para sa Fortune 100 na kumpanya sa anim na kontinente (nakapagsasalita ng English, French, Chinese), namumuno sa mga rehiyon at negosyo, at nakipagtulungan sa lahat ng uri ng grupo upang makamit ang mga resulta sa pananalapi at pagpapatakbo. Ang pagiging CEO ng maraming beses ay nagbibigay sa akin ng natatanging kakayahang mag-turnaround ng mga negosyo, na siyang kailangan dahil sa krisis sa pananalapi sa SFUSD. Alam ko kung paano palaguin ang mga kita kasama ng pagbabawas ng mga gastos. Malakas ang aking paniniwala sa edukasyon bilang ina at produkto ng mga pampublikong paaralan. Mayroon akong dalawang bachelor's degree mula sa Penn, dalawang master's mula sa MIT at Johns Hopkins at isang doctorate mula sa Johns Hopkins. Kailangan ng Lupon ang karanasang dala ko para mapalago ang ating mga paaralan, hindi isara ang mga ito, at maibalik ang mga pamilya sa mga pampublikong paaralan gayundin para itulak ang mas malakas na kurikulum sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga pangunahing paksa: matematika, agham, wika, at sining. Samahan mo akong gawing karapatan ang magandang edukasyon para sa ating mga anak.

Min Chang

Ang mga pahayag ay boluntaryo ng mga kandidato at hindi nasuri para sa katumpakan ng anumang opisyal na ahensya.
Ang mga pahayag ay inilimbag bilang isinumite. Ang mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika ay hindi naitama.