Ang trabaho ko ay School Board Vice-President

Ang aking mga kwalipikasyon ay: 

Isa akong tagapagturo ng San Francisco School District na nagturo ng araling panlipunan sa high school sa loob ng 10 taon bago maglingkod bilang punong-guro ng June Jordan School for Equity sa loob ng 10 taon.

Ako lang ang taong tumatakbo na nag-alay ng kanilang propesyonal na buhay sa pagtuturo at edukasyon.

Mayroon akong suporta ng libu-libong magulang, guro, at tagapagturo dahil nakatuon lang ako sa pagpapabuti ng ating mga paaralan para sa lahat ng mag-aaral at pamilya, at hindi ko gagamitin ang lupon bilang stepping-stone para sa pampulitikang katungkulan.

Ako ang unang kandidato na inendorso ng ating Unyon ng mga Guro, at pinarangalan ako ng suporta ng mga tagapagturo sa buong lungsod na gustong mapanatili ang isang may karanasan at epektibong pinuno sa lupon na nakakaunawa sa mga pasikot-sikot ng distrito.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga tagasuportang ito ang:
Nagkakaisang Edukador ng San Francisco
Mark Sanchez, Guro sa Elementarya, dating SF School Board President
Brian Delapena, Mathematics Teacher, Lincoln High School
Roque Baron, Latín American Teachers Association President
Tina Leung, Speech Pathologist, Gordon J. Lau Elementary School
Nick Chandler, Social Worker, Buena Vista Horace Mann School
Chun Li, Family Liaison, Martin Luther King Jr. Middle School
Diana Momiye Mueller, Paraeducator, Burton High School
Karina Cervantes, Family Liaison, Sanchez Elementary School
Darren Kawaii, Principal, Rooftop K-8 School
Maya Baker, Principal, Visitacion Valley Middle School
Amanda Chui, Principal, June Jordan High School
Ben Wong, Executive Director, Wah Mei Preschool
Diane Gray, Executive Director, 100% College Prep
Dawn Stueckle, Executive Director, Sunset Youth Services
Alysse Castro, Superintendente ng mga Paaralan ng County ng Alameda

Matt Alexander

www.mattalexandersf.org

Ang mga pahayag ay boluntaryo ng mga kandidato at hindi nasuri para sa katumpakan ng anumang opisyal na ahensya.
Ang mga pahayag ay inilimbag bilang isinumite. Ang mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika ay hindi naitama.