PAHINA NG IMPORMASYON
Pahayag ng kandidato: Ann Hsu
Ang trabaho ko ay School Principal.
Ang aking mga kwalipikasyon ay:
Ang mga mag-aaral at mga magulang ay karapat-dapat sa isang makaranasang komisyoner upang ipaglaban sila. Tututukan ko ang edukasyon at hindi ang pulitika; Nangako akong magsasabi ng totoo, maging transparent, at hindi gagamitin ang posisyong ito bilang steppingstone sa mas mataas na katungkulan. Nangangako akong paglingkuran ang lahat ng mga mag-aaral, na kinasasangkutan ng mga magulang at isinasabuhay ang mga pinahahalagahan ko na kinabibilangan ng integridad, paggalang at paglilingkod. Makikipagtulungan ako sa mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay at sa buong pulitikal na spectrum.
Ang aking mga priyoridad: tugunan ang krisis sa pananalapi ng SFUSD upang muling buuin ang katatagan, mapanatili at maakit ang mga pamilya upang pigilan ang pagdurugo sa pananalapi, at panatilihin at akitin ang mga guro upang pagsilbihan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ako ang punong-guro at tagapagtatag ng isang non-profit na paaralang K-8 sa San Francisco at isang magulang na SFUSD. Ako ay dating Board of Education Commissioner, CBOC Chair, Galileo PTSA President at Recall School Board leader. Ang aking karanasan sa pananalapi at pagpapatakbo ay nagmula sa pagtatatag at pamamahala ng 3 kumpanya sa loob ng 18 taon.
Kasama sa mga endorser ko sina Matt Gonzalez, dating Board of Supervisors President; Honorable Quentin Kopp, dating Hukom ng Superior Court at Senador ng Estado; John Rothmann, Boses ng San Francisco at dating host ng KGO; Lope Yap Jr, film producer at George Washington HS Alumni Board Member at Rex Ridgeway, San Francisco Democratic County Central Committee 2024 Public Education Hero.
www.annforsfboe.com
Ann Hsu
Ang mga pahayag ay boluntaryo ng mga kandidato at hindi nasuri para sa katumpakan ng anumang opisyal na ahensya.
Ang mga pahayag ay inilimbag bilang isinumite. Ang mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika ay hindi naitama.