PAHINA NG IMPORMASYON
Kumonekta: Buuin ang iyong pang-emerhensyang network ng suporta sa San Francisco
Ang isa sa pinakamabisang paraan upang maghanda para sa isang sakuna ay sa pamamagitan ng pagbuo ng matatag na koneksyon sa mga tao sa paligid mo.

Kapag mayroong mga emerhensya, ang iyong mga kapitbahay, lokal na organisasyon, at network ng komunidad ay madalas na unang tumutulong.
Ang ibig sabihin ng pagiging konektado ay:
- Pag-alam kung sino sa iyong lugar na maaari mong lapitan para sa tulong—at mag-alok na tumuulong
- Pagtutulungan upang matiyak na ligtas at may kaalaman ang iyong kapitbahayan
- Pagtukoy sa kung sino ang maaaring mangailangan ng karagdagang tulong sa isang emerhensya
Nasa ibaba ang mga paraan upang makilahok at palakasin ang iyong mga ugnayan sa komunidad sa San Francisco:
- Magboluntaryo sa Lungsod ng San Francisco - Bisitahin ang Pahina para sa Boluntaryo ng SFGov upang makahanap ng iba’t ibang oportunidad upang makakuha ng mga kasanayan, makilala ang mga kapitbahay, at mag-ambag sa kahandaang pang-emerhensya ng iyong lungsod.
- Sumali sa Nextdoor - Kumonekta sa iyong mga kapitbahay sa digital na paraan sa pamamagitan ng Nextdoor, kung saan maaari kang magbahagi ng mga mapagkukunan ng tulong, manatiling may kaalaman, at bumuo ng iyong lokal na network ng suporta.
- Auxiliary Communications Service (ACS) - Tumulong na mapanatili ang mga kritikal na komunikasyon sa panahon ng mga sakuna sa pamamagitan ng pagboboluntaryo bilang isang lisensyadong ham radio operator na may ACS—isang mahalagang bahagi ng pagresponde sa emerhensya sa San Francisco.
- Programang Disaster Healthcare Volunteer (DHV) - Ang mga lisensyadong medikal na propesyonal ay maaaring sumali sa Programang DHV ng San Francisco upang magbigay ng pangangalaga at suporta sa panahon ng mga emerhensya sa pampublikong kalusugan.
Lahat tayo ay sama-samang nagtutulungan sa panahon ng kagipitan. Kasama sa iyong komunidad ang mga tao sa iyong kapitbahayan at ang iyong mga network online.
Susunod: Magsanay

- Mag-sign up para sa mga pagsasanay sa paghahanda sa kalamidad kasama ang mga katuwang ng ReadySF.
- Repasuhin ang mga hakbang upang maghanda para sa anumang emerhensya.
Alamin Pa
- Alamin kung paano maaaring makaapekto ang mga sakuna at emerhensya sa San Francisco.
- Tingnan at i-download ang PDF na gabay na pangkaligtasan sa lindol.
Tungkol Dito

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Namamahala ang DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky
Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.