PAHINA NG IMPORMASYON

Likumin ang mga supply: Mag empake ng mga kakailanganin mo para sa isang emerhensya sa San Francisco

Karamihan sa mga kakailanganin mo sa isang emerhensya ay mga pang-araw-araw na gamit sa bahay na mayroon ka na.

2 people gathering non-perishable supplies in a box

Ang susi sa pagiging handa ay ang pagtatabi ng mga bagay sa ligtas, madaling maabot na mga lugar at pagtiyak na mayroon kang mahahalagang bagay tulad ng tubig at pagkain.

Maghanda ng Stay Box

Likumin ang mga supply sa isang lalagyan o kahon sakaling kailanganin mong manatili sa isang lugar habang inaalis ng mga manggagawang pang-emerhensya ang debris at siguraduhing ligtas ang lugar (halimbawa, pagkatapos ng lindol). Magplano para sa mahahalagang bagay na magkakasya para sa isang linggo.

Gamitin ang listahan ng kailangan para sa Stay Box upang masubaybayan ang kung ano ang mayroon ka na at ang kailangan mo pang kunin:

Magbalot ng Isang Go Bag

Ang iyong Go Bag ay dapat maging isang bagay na matibay at madaling dalhin, tulad ng isang backpack o maliit na maleta, at naglalaman ng mga bagay na kakailanganin mo kung kailangan mong lisanin ang iyong tirahan nang madalian.

Gamitin ang checklist ng Go Bag upang mag-empake ng bag para sa bawat miyembro ng iyong pamilya:

Tip na Pangkaligtasan ng ReadySF

Habang naglilikom ka ng mga bagay, isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng iyong pamilya.

May umiinom ba ng gamot sa araw-araw o umaasa sa mga aparato sa pagkilos? Responsable ka ba sa maliliit na bata na mangangailangan ng diaper, laruan, at formula? Ang mga alagang hayop ay bahagi rin ng pamilya, kaya magbalot ng mga lalagyan, pagkain, at iba pang mahahalagang bagay.

Susunod: Kumonekta

2 friends hugging and laughing

Alamin Pa

Tungkol Dito

ReadySF logo

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Namamahala ang DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.

Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky

Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.