LOKASYON
Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-iisip
Isang klinika sa kalusugan ng pag-uugali, na matatagpuan sa Bayview, na dalubhasa sa pag-aalaga sa mga bata/kabataan (edad 0 hanggang 18) na may karanasan sa child welfare system.
Suite 400
San Francisco, CA 94124
Ang Foster Care Mental Health Program (FCMH) ay nagbibigay ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali para sa mga bata, kabataan (edad 0 hanggang 18), at kanilang mga pamilya, na may karanasan sa child welfare system.
Naglilingkod kami sa mga indibidwal na may mababang kita, walang insurance, o may/kwalipikado para sa Medicare, Medi-Cal, o San Francisco Health Plan.
Kasama sa mga serbisyo ang:
- Indibidwal at grupong therapy
- Pamamahala ng kaso (pagtatasa ng mga pangangailangan, pag-aayos ng pangangalaga, at pagkonekta sa iba pang mga serbisyo)
- Mga pagtatasa at pagsusuri
- Suporta sa gamot at paggamot
- Mga serbisyo sa krisis
- Mga serbisyong psychiatric (pagsusuri ng isang psychiatrist para sa suporta sa gamot kung kinakailangan)
- Mga grupo ng suporta
Iba pang mga serbisyo:
- Therapeutic Visitation Services
- In-Home Behavioral Services
- Koordinasyon ng Intensive Care
Ang aming koponan ay nagsasalita ng Ingles at Espanyol. Ang ibang mga wika ay makukuha sa pamamagitan ng serbisyo ng interpreter.
Pagpunta dito
Paradahan
Available ang parking sa Bayview Plaza nang hanggang 2 oras pati na rin ang residential parking sa likod ng plaza.
Pampublikong transportasyon
Ang aming klinika ay mapupuntahan sa pamamagitan ng maraming linya ng muni, kabilang ang 19 (Evans Ave at Phelps St), 91 (Mendell St), 44 (Newhall St at Fairfax Ave), at ng T Train (Third Street at Evans Ave).
Sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-iisip
Makipag-ugnayan sa amin
Address
3801 3rd Street
Suite 400
San Francisco, CA 94124