KAGANAPAN
Espesyal na pagdinig ng Karapatan ng mga Imigrante (Immigrant Rights Commission)
Dumalo sa isang espesyal na pagdinig sa pagpapatupad ng imigrasyon at mga pagsisikap sa lokal na pagtugon ng San Francisco

Mangyaring samahan po ang Komisyon ng San Francisco para sa Karapatan ng mga imigrante sa pagbabalita patungkol sa 2025 na pagpapatupad ng mga batas sa imigrasyon ng pamahalaang pederal at gayundin ang mga lokal na pagtugon dito ng San Francisco. Pag uusapan ng mga namumuno sa komunidad at mga opisyal ng Lungsod ang mga nasasaksihan sa mga lugar ng mga pangyayari, kung paano tumutugon ang Lungsod sa mga pangangailangan ng komunidad, kung ano ang magiging bunga ng mga tuntunin para sa inyo, pati na mga patakaran at pagpapatupad ng mga lokal na batas sa SF bilang Lungsod ng santuwaryo, kasama dito ang mga libreng pagkukunan ng tulong ng mga indibidwal at pamilya.
Hinihikayat ang mga miyembro ng komunidad na magbigay ulat sa kanilang mga nasasaksihan at kung saan may nakikita silang mga pagkakataon para sa karagdagang pakikipagtulungan.
May pagsasalin wika na ihahanda kung ito ay hihilingin.
Email: civic.engagement@sfgov.org.
Mga Detalye
Petsa at oras
Lokasyon
San Francisco, CA 94102
Mga ahensyang kasosyo
Makipag-ugnayan sa amin
Telepono
San Francisco Immigrant Rights Commission
civic.engagement@sfgov.org