HAKBANG-HAKBANG
Mag-apply para sa isang gawad o grant sa pagpapaganda ng harapan ng iyong storefront
Kumuha ng hanggang $20,000 para sa mga panlabas na pagpapabuti sa iyong maliit na negosyo
Ang SF Shines Facade Improvement Program ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa maliliit na negosyo na gustong pagandahin ang panlabas na anyo ng kanilang mga storefront. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong tulungan ang mga lokal na negosyo, na magpapataas ng sigla ng kapitbahayan. Ang programa ay magpopondo sa mga komprehensibong pagpapahusay sa labas na magpapabago sa storefront.
Ang mga form ng interes ay sarado na at hindi na kami tatanggap ng anumang mga pagsusumite.
Para sa mga Inimbitahang Aplikante LAMANG: Hihinto kami sa pagtanggap ng mga aplikasyon sa Lunes, ika-2 ng Hunyo sa ika-5 ng hapon. Ang mga aplikasyon na natanggap pagkalipas ng 5pm ay hindi isasaalang-alang.
Mga Layunin ng Programa:
- Pabutihin ang pisikal na anyo sa mga storefront na naka-zone na pang-komersyo
- Hikayatin ang pang-ekonomiyang aktibidad at pataasin ang trapiko ng mga naglalakad
- Pagandahin ang hitsura at pakiramdam ng commercial corridor
Mga karapt-dapat na pagpapahusay ng mga harapan
- Ilaw sa Labas
- Pagpapalit ng Bintan at/Anti-Graffiti Film
- Pagpapalit ng Pinto
- Tile sa Labas
- Pagpapanumbalik ng neon sign
- Mga Awing & amp, Karatula
- Pintura sa Labas
- Mga Mural (Kailangan ang pag-apruba ng Arts Commission)
- Mga planter
TANDAAN: Maaaring kailanganin ang mga pahintulot at/o pag-apruba para sa mga pagpaphusay ng storefront.
Mga karapat-dapat na pagbili
- Mga serbisyo ng propesyonal na disenyo
- Hanggang $10,000
- Mga materyales sa konstruksyon
- Off-site na pagmamanupkatura
- Karatula/awning
- Mga neon sign
- Mga bintana
- Mga fixture
- Ilaw
- Mga tanim
Hindi karapat-dapat
- Mga On-site labor o serbisyo
- Mga security grill/gate
- Mga security camera
- Mga outdoor furniture
- Mga parklet
- Mga bayarin sa permit
TANDAAN: I-itemize ang bawat invoice upang paghiwalayin ang labor at mga materyales kapag nagtatrabaho kasama ang isang lisensyadong kontratista.
TANDAAN: Ang mga kasalukuyang awning na nakatanggap ng abiso ng paglabag ay dapat ma-apply sa Awning Amnesty Program>.
Suriin ang pagiging karapat-dapat
Ang inyong negosyo ay dapat na:
- Isang pisikal na storefront sa ground-floor na nagbibigay ng mga produkto at/o serbisyo sa publiko:
- Ang storefront ay dapat matatagpuan kapitbahayan na may low-moderate na kita OR;
- Ang storefront ay dapat matatagpuan sa Downtown OR;
- Ang kita ng sambahayan ng may-ari ng negosyo ay dapat kwalipikado bilang low-moderate
- Mas mababa sa $5M sa kabuuang kita (gross revenue) sa iyong pinakahuling tax return
- 24 na buwan o higit pa ang natitira sa iyong pag-upa o lease OR nagpapatakbo nang higit sa 20 taon O ang may-ari ng negosyo ay siya DIN ang may-ari ng ari-arian
- Pahintulot mula sa may-ari ng ari-arian na gumawa ng mga pagpapabuti
- Walang bukas na abiso ng paglabag sa alinmang departamento ng lungsod maliban kung ang iyong proyekto ay ayusin ang paglabag na iyon
- Ang mga nonprofit ay kwalipikado lamang ng hanggang $10,000
Hindi karapat-dapat
- Formula retail
- Mga paradahan
- Mga negosyo sa ikalawang palapag
- Mga may-ari ng ari-arian
- Mga negosyo sa loob ng mga mall
- Mga mobile na negosyo
- Mga negosyong home-based
- Mga institusyong panrelihiyon
TANDAAN: Ang Lungsod ay may sariling pagpapasya sa pagtukoy ng mga awardees.
TANDAAN: Ang mga tumatanggap ng Tenderloin Facade Improvement Grant ay hindi karapat-dapat.
TANDAAN: Ang ADA at accessibility na kasangkapan at kagamitan ay hindi saklaw sa ilalim ng grant na ito. Upang mabayaran sa itaas, mag-apply para sa ADA Barrier Removal Grant .
TANDAAN: Ang mga proyekto ng Shared Spaces ay hindi saklaw sa ilalim ng grant na ito. Basahin ang impormasyon tungkol sa pagsunod sa Shared Spaces .
Dumalo sa webinar na nagbibigay-kaalaman
Ang mga negosyong interesadong mag-apply sa programa ay maaaring dumalo sa isang opsyonal na webinar na nagbibigay-kaalaman upang matuto nang higit pa tungkol sa programa. Maaaring magpalista ang mga negosyo para sa alinman sa mga session sa ibaba:
Lunes, ika-14 ng Abril
Biyernes, ika-2 ng Mayo
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa ibang wika, mangyaring makipag-ugnayan sa sfshines@sfgov.org na may linya ng paksa na "kailangan ng tulong sa wika - SF Shines Facade."
Para sa lahat ng iba pang tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa sfshines@sfgov.org.
Punan ang interest form
Ang mga may-ari ng negosyo na interesado sa pagpapaganda ng kanilang storefront ay dapat magsumite ng form ng interes bago pormal na mag-apply. Ang form ng interes ay susukatin ang kahandaan ng proyekto, pagiging posible, at epekto sa komunidad. Ang pagsusumite ng form ng interes ay HINDI ginagarantiya na ikaw ay iimbitahan na mag-aplay. Ang mga form ng interes ay sarado na at hindi na kami tatanggap ng anumang mga pagsusumite.
Kakailanganin mong sagutin ang mga tanong tungkol sa:
- Impormasyon ng negosyo
- Kakailanganin mo ng nakarehistro at aktibong Business Account Number (BAN)
- Mga iminungkahing pagpapabuti
- Gastos ng proyekto
- Timeline
- Feasibility (Pagiging Posible)
- Epekto
Ano ang Susunod na Mangyayari?
- Susuriin ng koponan ng SF Shines ang interest form sa loob ng 15 araw ng negosyo. Kung kwalipikado ka, ikaw ay iimbitahan upang kumpletuhin ang buong aplikasyon. Kung hindi pa handa ang iyong proyekto, makakatanggap ka ng iniangkop na pagtatasa sa kahandaan ng proyekto upang matulungan kang maghanda. Kapag nakumpleto mo na ang mga item na kailangan ng aksyon sa pagtatasa ng kahandaan ng proyekto, maaari kang maging karapat-dapat na mag-apply.
Maaari kang matuto ng higit pang impormasyon sa kung ano ang susuriin sa loob ng form ng interes.
Ang mga form ng interes ay sarado na, at hindi na kami tatanggap ng anumang mga pagsusumite. Ang mga may-ari ng negosyo na inimbitahan sa susunod na yugto ay nakatanggap ng link para pormal na mag-apply.
Tumanggap ng link para mag-apply
Kapag naimbitahan kang mag-apply, makakatanggap ka ng link at hihilingin sa iyong magbigay ng buong detalye sa iyong proyekto, timeline, at badyet. Ang pagtanggap ng link para mag-apply ay HINDI ginagarantiya na makakatanggap ka ng pondo. Ang mga grantee ay tinutukoy sa sariling pagpapasya ng Lungsod. Kung kukuha ka ng mga kontratista na bibili ng mga materyales sa konstruksiyon, kakailanganin nilang lisensyado at dapat magbigay ng detalyadong (mga) invoice.
Para sa mga Inimbitahang Aplikante LAMANG: Hihinto kami sa pagtanggap ng mga aplikasyon sa Lunes, ika-2 ng Hunyo sa ika-5 ng hapon. Ang mga aplikasyon na natanggap pagkalipas ng 5pm ay hindi isasaalang-alang.
TANDAAN: Ang mga pagtatantya ay dapat na hindi nabayaran sa oras ng aplikasyon. Ang mga bayad na invoice ay dapat na may petsa sa o pagkatapos ng petsa ng iyong sulat ng award . Ang anumang mga invoice na binayaran noon ay hindi tatanggapin.
Impormasyo na kailangan mong ibigay:
- Detalyadong paglalarawan ng iyong mga iminungkahing pagpapabuti
- Tinatayang kabuuang halaga ng proyekto
- Impormasyon ng kontratista, kasama ang numero ng lisensya
- Naka-itemize na hindi nabayarang mga pagtatantya ng gastos - Babayaran lang namin ang:
- Mga materyales sa konstruksyon
- Mga serbisyo ng propesyonal na disenyo
- Off-site na pagmamanupaktura at pag-aayos
- Mga fixture
- Mga larawan ng iyong kasalukuyang storefront BAGO ang konstruksyon
- Nakasulat na pag-apruba mula sa may-ari ng ari-arian na nilagdaan at may petsa
- (Mga ) numero ng permit, kung naaangkop
- Impormasyon ng negosyo
- 2023 O 2024 tax return ng sambahayan (Form 1040), kung naaangkop
Ano ang mangyayari pagkatapos mong mag-apply?
- Ang mga aplikasyon ay susuriin sa loob ng 30 araw. Kung naaprubahan, dapat kang makipagkita sa isang permit specialist para sa maliliit na negosyo para matiyak na nauunawaan mo ang mga kinakailangang permit, pag-apruba, at gastos kaugnay sa iyong proyekto sa pagpapaganda.
- Kung naaprubahan, pakitandaan na ang mga aplikante ay makakatanggap ng 25% kaagad (hanggang $5,000) ng kanilang tinantyang kabuuang gastos sa proyekto. Kung kwalipikado ka bilang low-income, maaari kang makatanggap ng 50% kaagad (hanggang $10,000) ng iyong tinantyang kabuuang gastos sa proyekto.
Makipagkita sa isang permit specialist, kung kinakailangan
Ang Office of Small Business ay may nakatalagang mga permit specialist na makakatulong sa iyo na mag-navigate sa proseso ng permit para sa iyong mga iminungkahing pagpapabuti sa pagpapaganda.
Kakailanganin mong mag-iskedyul ng oras sa isang permit specialist kung:
- Hindi ka pa nagsimula sa konstruksyon at kailangan ng mga permit.
Maaaring HINDI mo kailangang mag-iskedyul ng oras sa isang permit specialist kung:
- Nasa iyo ang lahat ng mga permit na kailangan para sa iyong proyekto. Ang koponan ng SF Shines at (mga) espesyalista sa permit ay magpapatunay na mayroon kang mga kinakailangang permit para sa iyong mga pagpapabuti.
Mag-iskedyul ng isang pakikipagkita sa isang permit specialist
Appointment sa permit specialist
Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa Office of Small Business sa ibaba.
Pagpapasiya sa pagpopondo
Kapag nagsumite ka ng aplikasyon, susuriin ito ng koponan ng SF Shines sa loob ng 30 araw at bibigyan ka ng desisyon.
Kung nagawaran, ikokonekta ka ng SF Shines na koponan sa isang nonprofit na organisasyon na magbibigay sa iyo ng 25%* (hanggang $5,000) bilang paunang puhunan para sa iyong mga panlabas na pagpapabuti. Kakailanganin ng mga negosyo na magbigay ng karagdagang impormasyon sa nonprofit na organisasyon upang makatanggap ng bayad.
Kailangan ng karagdagang dokumentasyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa:
- W-9
- Pinirmahang kasunduan sa grant
- Impormasyon sa pagbabangko (direktang deposito)
*Kung kwalipikado ka bilang low-income, maaari kang makatanggap ng 50% (hanggang $10,000) ng iyong tinantyang kabuuang gastos sa proyekto.
Simulan ang iyong mga pagpapabuti sa storefront
Pagkatapos mong makuha ang tamang mga permit, maaari ka na ngayong magsimula sa pagtatayo!
Dapat makumpleto ang konstruksyon sa loob ng 6 na buwan.
Asahan ang regular na pakikipag-ugnayan sa koponan ng SF Shines upang matiyak na ang iyong proyekto sa pagpapaganda ay natapos sa takdang panahon.
Ano ang mangyayari pagkatapos mong makumpleto ang konstruksyon?
Pagkatapos mong makumpleto ang ang konstruksyon, magiging karapat-dapat ka para sa huling pagbabayad batay sa iyong naaprubahang kabuuang halaga ng iyong proyekto sa pagpapaganda. Kailangan mong isumite ang:
- Mga larawan ng natapos na proyekto sa pagpapabuti ng harapan
- Maaaring gamitin ang mga larawan para sa layunin ng marketing
- Mga bayad na resibo na binayaran sa o pagkatapos ng petsa ng iyong award letter
Ang isang miyembro ng koponan ng SF Shines ay maaaring mag-iskedyul ng oras upang bisitahin ang iyong storefront at makita nang personal ang mga pagpapabuti.
Tumanggap ng huling bayad
Pagkatapos makumpleto ang konstruksyon, matatanggap mo ang iyong huling bayad. Kailangan mong magsumite ng mga bayad na invoice upang makatanggap ng panghuling pagbabayad.
TANDAAN: Ang mga bayad na invoice ay dapat na may petsa sa o pagkatapos ng petsa ng iyong sulat ng award. Ang anumang mga invoice na binayaran noon ay hindi tatanggapin.
TANDAAN: Inilalaan namin ang karapatang humiling ng karagdagang patunay ng mga serbisyo o biniling materyales, kabilang ang mga larawan, bank statement, o nakanselang mga tseke.