PAHINA NG IMPORMASYON

Pahayag ng Accessibility para sa 311

Nais ng 311 Customer Service Center na madaling magamit ng lahat ang website na ito.

Sinusunod namin ang mga patakaran para sa accessibility ( WCAG 2.1, Level AA ) at access sa wika ( San Francisco Language Access Ordinance ).

Kung ang isang bagay sa website na ito ay hindi gumagana para sa iyo, mag-email sa amin sa accessibility.311@sfgov.org . Mangyaring isama ang:

  • Ang webpage o URL
  • Kung ano ang problema

Kung nagtatrabaho ka para sa Lungsod o nag-aaplay para sa isang trabaho at nangangailangan ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa Human Resources.