PAHINA NG IMPORMASYON

Pahayag ng Accessibility ng Website

Nais ng San Francisco Law Library na madaling magamit ng lahat ang website na ito.

Sinusunod namin ang mga patakaran para sa aksesibilidad ( WCAG 2.1, Antas AA ) at akses sa wika ( Ordinansa sa Pag-access sa Wika ng San Francisco ).

Kung may hindi gumagana para sa iyo sa website na ito, mag-email sa Direktor, si Diane Rodriguez ( sflawlibrary@sfgov.org ). Pakisama ang:

  • Ang webpage o URL
  • Kung ano ang problema.

Kung nagtatrabaho ka para sa Lungsod o nag-aaplay para sa isang trabaho at nangangailangan ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa Human Resources.