SERBISYO

Humiling ng mga pampublikong rekord ng gusali

Maaari kang makakuha ng mga rekord ng permit o simulan ang proseso upang makakuha ng mga plano sa pagtatayo.

Department of Building Inspection

Ano ang dapat malaman

Gastos

$0.10 bawat pahina.

Ano ang gagawin

1. Suriin kung anong mga rekord ang maaari mong hilingin

Mayroon kaming mga sumusunod na uri ng rekord na magagamit:

  • Building permit na inisyu mula 1906 hanggang sa kasalukuyan
  • Mga building permit job card na inisyu mula 1933 hanggang sa kasalukuyan
  • Sertipiko ng Pinal na Pagkumpleto at Pag-okupa (Certificate of Final Completion and Occupancy, CFC) na inisyu mula 1945 hanggang sa kasalukuyan
  • Mga permit na elektrikal na inisyu mula 1986 hanggang sa kasalukuyan
  • Mga permit sa pagtutubero na inisyu mula 1976 hanggang sa kasalukuyan
  • Mekanikal na permit na inisyu mula 2008 hanggang sa kasalukuyan
  • Mga planong titingnan, para sa mga wood-framed na gusali mula 1960 hanggang sa kasalukuyan (dapat kang mag-apply nang personal upang tingnan ang mga plano at mag-apply nang hiwalay para makakuha ng mga kopya ng mga opisyal na plano ng gusali )
  • Mga planong titingnan, para sa matataas na gusali mula 1920 hanggang sa kasalukuyan (dapat kang mag-apply nang personal upang tingnan ang mga plano at mag-apply nang hiwalay para makakuha ng mga kopya ng mga opisyal na plano ng gusali )

2. Ipadala ang kahilingan

Maaari kang magsumite ng anim na kahilingan bawat tao, bawat kumpanya, bawat araw. 

Special cases

Punan ang elektronikong aplikasyon sa aming opisina

Records Management Division, 49 South Van Ness, Suite 400, San Francisco, CA 94103

Itatanong namin sa iyo ang:

  • Uri ng pag-okupa sa gusali
  • Kung ito ay gusaling nasa kanto
  • Mga uri ng rekord na gusto mo
  • Kung gusto mo ng mga rekord mula sa partikular na hanay ng petsa

Mag-apply sa pamamagitan ng koreo

I-download at punan ang form

Form ng Kahilingan sa mga Rekord ng Gusali

Ipadala sa koreo ang nakumpletong form

Records Management Division, 49 South Van Ness, Suite 400, San Francisco, CA 94103

Makikipag-ugnayan kami sa iyo para kumpirmahin ang mga rekord na gusto mong hilingin.

Kung gusto mong makuha ang mga rekord sa pamamagitan ng koreo, magpapadala kami ng mga papel na kopya sa pamamagitan ng Certified Mail na may singil.

Mga plano sa pagtatayo

Ang batas ng estado ay nagpapahintulot sa iyong tingnan ang mga plano sa gusali sa aming mga opisina. Upang mabigyan ka ng mga kopya ng mga plano sa gusali, kailangan muna namin ng pag-apruba mula sa sumusunod:

  • Kasalukuyang may-ari ng ari-arian
  • Lahat ng mga propesyonal sa disenyo na nakalista sa mga plano

Mag-apply upang makakuha ng mga kopya ng mga opisyal na plano sa gusali .

Tandaan na kailangan mo ng higit pang mga dokumento upang tingnan ang mga plano sa pagtatayo para sa mga bangko at mga gusaling pag-aari ng gobyerno.

Pagkuha ng iyong mga hiniling na rekord

Ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng email kapag maaari mo nang kunin ang mga rekord. Maaaring tumagal ng hanggang 15 araw, depende sa dami ng pananaliksik na kailangan. 

Ipapaalam namin sa iyo ang anumang mga singil na dapat bayaran, at itatanong kung paano mo gustong kunin ang mga rekord.

Makipag-ugnayan sa amin

Telepono

Records Management Division628-652-3420