PROFILE
ChiaYu Ma
she/herDeputy Controller

Si ChiaYu (na kilala rin bilang Chia) ay sumali sa Tanggapan ng Controller bilang Deputy Controller noong Hulyo 2024. Si Chia ay may mahigit 17 taong karanasan sa pamamahala sa pananalapi at estratehikong pagpaplano sa mga tungkulin sa pamumuno sa malalaking organisasyon ng munisipyo. Kabilang sa kanyang mga tungkulin sa pamumuno sa Tanggapan ng Controller ang Teknolohiya ng Impormasyon, Administrasyon, Pagpaplano ng Badyet, Pag-uulat sa Pananalapi, Mga Audit, Human Resources, Payroll, Pamamahala ng mga Rekord, Paghahanda sa Sakuna, at Pangangasiwa ng mga Rate ng Basura. Si Chia ay may matibay na rekord sa pagpapaunlad ng mga pangkat na may mataas na pagganap at pagtataguyod ng isang kultura ng patuloy na pagpapabuti. Ang kanyang pangako sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagsasama ay nagpahusay sa kakayahang pangkultura sa loob ng kanyang mga pangkat, na lumilikha ng isang suportado at inklusibong kapaligiran sa trabaho.
Bago sumali sa Tanggapan ng Controller, si Chia ang Punong Opisyal sa Pananalapi sa Kagawaran ng Teknolohiya. Pinamunuan at pinamahalaan niya ang isang $170 milyong badyet, naglingkod sa isang departamento na may 260 kawani, at mahigpit na kinoordinar ang mga aktibidad sa pananalapi kasama ang lahat ng departamento ng Lungsod. Sa kanyang panahon sa Kagawaran ng Teknolohiya, matagumpay niyang binago ang badyet ng departamento, nakatuon sa pagbuo ng isang kultura ng tiwala at transparency sa pag-uulat sa pananalapi, pinangunahan ang mga inisyatibo sa maraming departamento upang mapabuti ang mga operasyon at transaksyon sa pananalapi, at pinangunahan ang mga pangunahing pagkuha ng teknolohiya upang suportahan ang kahandaan ng Lungsod sa emerhensya sa panahon ng pandemya.
Dati, si Chia rin ang naging Deputy Financial Officer sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan at Chief Financial Officer sa Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center nang siyam na taon, kung saan bukod pa sa iba pa niyang napagtagumpayan, binago niya ang istruktura ng budget at pananalapi ng ospital, nagtakda siya ng modelo ng pamamahala sa staff at pananalapi para sa bagong gusali ng Laguna Honda Hospital, na-validate niya ang mga rate para sa mga kontrata ng pinapamahalaang pangangalaga, at namuno sa pagpapatupad ng proyektong Epic Electronic Health Records (EHR) ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan.
Si Chia, na isang aktibong miyembro ng propesyonal na komunidad, ay nominado para sa Municipal Fiscal Advisory Committee Good Government Award at nagsilbi bilang board member at treasurer ng SF Municipal Executive Association. Si Chia ay nakakuha ng bachelor's degree sa Hotel Administration at isang MBA sa Finance mula sa University of Nevada, Las Vegas pagkatapos niyang dumating sa United States mula sa Taiwan bilang isang dayuhang estudyante. Nagtrabaho si Chia sa pribadong sektor nang ilang taon bago siya sumali sa Lungsod at County ng San Francisco noong 2006.
Makipag-ugnayan kay Controller's Office
Address
Room 316
San Francisco, CA 94102