NEWS
PAHAYAG NI MAOR LURIE SA PAGPAPALIBAN NG MAAARING PAGPAPADALA AT PAGTATALAGA NG MGA TAUHAN NG PAMAHALAANG PEDERAL SA SAN FRANCISCO
SAN FRANCISCO – Ipinapahayag ni Mayor Daniel Lurie ngayong araw na ito ang mga sumusunod:
“Kahapon, kinausap ko ang mga taga San Francisco tungkol sa posibleng pagpapadala at pagtalaga ng mga pederal na tauhan sa ating Lungsod. Binangit ko kahapon ang nasabi ko simula ng manungkulan ako, na pagpapanatili ng kaligtasan ng taga San Francisco ang aking pangunahing talakayin at layunin.
Kagabing gabing-gabi na, nakatanggap ako ng tawag mula sa Pangulo ng Estados Unidos. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ko sa ating mga residente: Ang San Francisco ay patuloy sa pagbangon. Bumabalik na ang mga Bumibisita at Panauhin, ang mga gusali ay inuupahan at binibili, at ang mga manggagawa ay bumabalik na sa opisina. Marami kaming gagawin, at malugod naming tinatanggap ang patuloy na pakikipagkasosyohan sa FBI, DEA, ATF, at U.S. Attorney para alisin sa ating lansangan ang mga droga at mga drug dealer, subálit ang pagkakaroon ng militar at ang pagpapatupad ng batas sa imigrasyon gamit ang militar sa ating Lungsod ay magigiging hadlang sa ating pagbangon. Nagpapasalamat kami na nauunawaan ng pangulo na tayo ang pandaigdigang sentro at tagpuan para sa teknolohiya, at kapag malakas ang San Francisco, malakas din ang ating bayan.
Sa nasabing usapan, malinaw na sinabi sa akin ng pangulo na ipagpapaliban niya ang anumang mga plano para sa pagtatalaga at pagpapaunta ng mga tauhang pederal sa San Francisco. Sinangayunan ni Kristi Noem, na Kalihim ng Homeland Security ang direksyong ito sa aming usapan kaninang umaga.
Ang aking koponan ay patuloy at mahigpit na sumusubaybay sa sitwasyon at nananatiling handa ang ating lungsod sa anumang magigiging kaganapan.
Lubos na nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taga San Francisco na nagtipon at nag sama-sama sa mga nakaraang araw. Ang mga namumuno sa ating lungsod ay dati nang nagkakaisa sa layunin ng pampublikong kaligtasan. At ang ating mga pinahahalagahan ay hayagang napagmamasdan --- ito ang pinaka Mabuti sa ating lungsod.”