PAHINA NG IMPORMASYON
Idisenyo ang daanan ng iyong paradahan o bangketa ng Shared Space
Sundin ang aming mga patnubay upang idisenyo ang iyong parklet o daanan ng paradahan sa Shared Space.
Ang daanan ng paradahan ay ang espasyo sa kalye na pinakamalapit sa gilid ng bangketa.
Mga uri ng daanan ng paradahan na Shared Spaces
Mayroong 3 uri ng daanan ng paradahan na Shared Spaces:
- Pampublikong parklet
- Nakapirming komersyal na parklet
- Komersyal na parklet
(Kung hindi mo pa rin alam kung saan ka mag-a-apply, alamin ang tungkol sa aming mga uri ng Shared Spaces.)
Kung ikaw ay nag-a-apply para gamitin din ang bangketa, dapat mo ring sundin ang mga panuntunan sa bangketa sa Shared Spaces.
Saan mo maaaring gamitin ang daanan ng paradahan
Hindi ka maaaring magtayo ng parklet o gamitin ang daanan ng paradahan kung mayroon kang:
- Pula o asul na gilid ng bangketa
- Hintuan ng bus o pampublikong transportasyon na may bubong
Gamit ang permit sa Shared Spaces sa daanan ng paradahan, maaari mong gamitin ang daanan ng paradahan sa harap ng iyong negosyo o organisasyon.
Maaaring kailanganin mo ang pahintulot ng iyong kapitbahay na gamitin ang espasyo sa harap ng kanilang negosyo.
Maaari kang gumamit ng hanggang 2 espasyong paradahan.
Mga sulok
Hindi ka maaaring gumamit ng espasyo malapit sa mga sulok. Ang iyong espasyo ay dapat 20 talampakan mula papasok ng interseksyon at 8 talampakan mula papalabas na interseksyon.
Mga fire hydrant
Hindi ka maaaring magtayo ng mga nakapirming estruktura sa pulang daanan sa bangketa sa tabi ng fire hydrant.
Huwag magtayo o magmarka sa bangketa
Ang estruktura ng iyong daanan ng paradahan ay dapat magtapos sa bangketa. Hindi ka maaaring mag-ayos ng estraktura sa bangketa maliban sa mga latagan at maa-access na rampa.
Isama ang iyong mga latagan o rampa sa iyong site plan. Kailangan naming repasuhin at aprubahan ito.
Hindi ka maaaring maglagay ng mga sticker o mag-spray ng pintura sa bangketa, maliban sa mga marka ng social distancing.
3 talampakang puwang para sa pang-emerhensyang access
Para sa kaligtasan, dapat mayroon kang pinakamababang 3 talampakang puwang para sa pang-emerhensyang access para sa bawat 20 talampakan. Ang puwang ay kailangang walang takip.
Mga lugar ng hintuan ng bus
Hindi ka maaaring maglagay ng anumang bagay sa lugar ng hintuan ng bus o sa loob ng 10 talampakan mula sa hintayan ng bus na may bubong.
Imprastruktura ng lungsod
Tingnan ang manwal ng mga Shared Space para sa mga daanan ng paradahan na may:
- Daanan ng bisikleta, mga share station para sa bisikleta, paglalagyan ng bisikleta o bike corral
- Dilaw, berde, o puting bangketa
- Mga lugar para sa taxi o hintuan para sa nagco-commute
Kung gusto mong gamitin ang daanan ng paradahan sa isa sa mga espasyong ito, makikipagtulungan kami sa iyo upang malaman kung magagamit ang espasyo.
Paano idisenyo ang iyong daanan ng paradahan na Shared Space
Tingnan ang seksyon ng daanan ng paradahan ng manwal ng mga Shared Spaces para sa higit pang mga partikular na detalye ng disenyo.