KAMPANYA
Paano maghanda para sa mga emerhensya sa San Francisco
KAMPANYA
Paano maghanda para sa mga emerhensya sa San Francisco

Mas handa ka kaysa sa iniisip mo!
Ang paggawa ng mga hakbang upang maghanda at manatiling handa ay makakapagligtas sa iyong buhay at mapoprotektahan ang iyong mga mahal sa buhay sa panahon ng emerhensya o natural na sakuna. Gamitin ang mga mapagkukunan ng ReadySF para matulungan kang kumilos at magplano nang maaga.
1. Mag-sign up para sa AlertSF
Ang pinakamabuting paraan upang magsimula ay mag-sign up para sa mga pang-emerhensyang alert ng AlertSF. Madali lang! I-text ang iyong ZIP Code sa 888-777, o mag-sign up sa alertsf.org.
Alamin pa ang tungkol sa AlertSF

2. Gumawa ng plano
Ang planong pang-emerhensya ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga taong pinakamahalaga sa iyo at pagpapasya sa isang ligtas na lugar upang makipagkita. Ang isang plano ay maaaring makadaan sa maraming emerhensya. Simulan ang paggawa ng iyong plano ngayon.
Gawin ang iyong planong pang-emerhensya ngayon

3. Lumikom ng mga supply
Karamihan sa mga kakailanganin mo sa isang emerhensya ay mga pang-araw-araw na gamit sa bahay na mayroon ka na. Ang susi sa pagiging handa ay ang pagtatabi ng mga bagay sa ligtas, madaling maabot na mga lugar at pagtiyak na mayroon kang mahahalagang bagay tulad ng tubig at pagkain.
Gamitin ang listahan ng mga kailangan para sa mga supply

4. Kumonekta
Malaking bahagi ng paghahanda ang pagbuo ng iyong komunidad upang magkaroon ng network na mapupuntahan sa mga oras ng krisis.
Mga mapagkukunan upang bumuo ng mga koneksyon

5. Magsanay
Matuto nang higit pa at mas maging handa sa pamamagitan ng pag-sign up para sa mga nalalapit na pagsasanay kasama ang mga katuwang ng ReadySF, kabilang ang Neighborhood Emergency Response Teams (NERT) ng SFFD (Departamento ng Bumbero ng San Francisco).
Tuklasin ang mga opsyon sa pagsasanay