KUWENTO NG DATOS

Bilang ng mga buhay na kapanganakan sa San Francisco

Kabuuang bilang ng mga buhay na kapanganakan na ipinanganak sa mga residente ng San Francisco ayon sa taon

Maternal, Child, and Adolescent Health

Ilang buhay na panganganak ang nangyari noong nakaraang taon?

Binibilang namin ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak upang magplano ng mga serbisyo para sa mga pamilya.

Noong 2024, 6869 na sanggol ang isinilang sa mga residente ng San Francisco.

Sa buong lungsod, sa nakalipas na 10 taon, ang kabuuang bilang ng mga kapanganakan ay bumaba.

Ang line graph at bar chart ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga kapanganakan ayon sa pangkat ng populasyon.

Para sa mga mobile phone, iposisyon ang device sa landscape mode para sa pinakamahusay na view ng mga visualization.

Data notes and sources

Pinagmulan ng datos:

  • Sistema ng Impormasyon sa Negosyo para sa mga Mahalagang Rekord (Varial Record Business Information System o VRBIS) ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California (CDPH). Kasama sa datos ng VRBIS ang isang rekord ng sertipiko ng kapanganakan para sa bawat sanggol na ipinanganak sa California.
  • Sinuri ang mga datos ng San Francisco (SF) Department of Public Health Epidemiology Section.

Mga tala ng datos:

  • Binibilang namin ang mga buhay na kapanganakan ng mga residente ng San Francisco sa pagitan ng Enero 1 at Disyembre 31 ng bawat taon.

Mga limitasyon sa datos:

  • Hindi ipinapakita ang datos para sa mga pangkat ng populasyon na mayroong mas mababa sa 20 kabuuang live births sa isang taon upang protektahan ang privacy ng mga indibidwal na tao sa grupo.
  • Ang kabuuang bilang na ipinapakita rito ay maaaring mas mababa sa bilang ng mga totoong bilang, dahil hindi namin binibilang ang mga kapanganakan ng mga residente ng San Francisco na nangyari sa labas ng California, sa ibang mga estado o bansa.
  • Hindi namin binibilang ang mga sanggol na ipinanganak sa San Francisco ng mga taong hindi residente ng San Francisco. Kasama sa datos ng VRBIS ng California Department of Public Health ang isang rekord ng birth certificate para sa bawat sanggol na ipinanganak sa California.

Saan naganap ang mga panganganak?

Ipinapakita ng mapang ito ang taunang kabuuang bilang ng mga buhay na kapanganakan ng mga residente ng San Francisco ayon sa zip code.

Gamitin ang filter para pumili ng isang taon. 

Data notes and sources

Pinagmulan ng datos:

  • Sistema ng Impormasyon sa Negosyo para sa mga Mahalagang Rekord (Varial Record Business Information System o VRBIS) ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California (CDPH). Kasama sa datos ng VRBIS ang isang rekord ng sertipiko ng kapanganakan para sa bawat sanggol na ipinanganak sa California.   
  • Sinuri ang mga datos ng San Francisco (SF) Department of Public Health Epidemiology Section.  

Mga tala ng datos:

  • Sa loob ng dalawang linggo ng bawat panganganak, itinatala ng mga birth clerk sa ospital o mga komadrona sa komunidad ang mga detalye tungkol sa panganganak. Kasama sa rekord ng panganganak ang impormasyon tungkol sa mga problemang kinakaharap ng magulang na nanganganak noong nagbubuntis at ang mga serbisyong natanggap nila.

Mga limitasyon sa datos:

  • Hindi ipapakita ang datos kung ang bilang ng mga live births sa grupo ay mas mababa sa 20 upang protektahan ang privacy ng mga indibidwal na tao sa grupo.
  • Ang mga numerong ipinapakita rito ay maaaring kulang sa bilang ng mga tunay na kapanganakan. Hindi namin binibilang ang mga sanggol na ipinanganak sa San Francisco ng mga taong hindi residente ng San Francisco. Hindi namin binibilang ang mga kapanganakan na ipinanganak ng mga residente ng San Francisco sa labas ng California, sa ibang mga estado o bansa.