KUWENTO NG DATOS

Pangkalahatang-ideya ng pagsusuri sa COVID-19

Datos ng pagsusuri sa COVID-19 sa San Francisco, kasama na ang mga pagsusuring nakolekta sa buong lungsod at antas ng pagpositibo sa pagsusuri.

Napakahalaga ng pagsusuri sa pagtugon ng Lungsod sa COVID-19. Nagbibigay-daan sa amin ang pagsusuri na tumukoy ng mga kaso ng COVID-19. Pagkapos, puwede naming simulan ang contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Nakakatulong din sa amin ang pagsusuri upang suportahan ang mga residenteng nagpositibo. 

Kabuuang pagsusuri

Kasama sa datos ng pagsusuri ang mga pagsusuring nakolekta ng lahat ng medikal na provider. Kasama rito ang mga provider ng Lungsod at mga pribadong provider (tulad ng Kaiser, One Medical, o Sutter).   

Ang 7 araw na nagpapatuloy na average ng mga pagsusuri ay ang average ng kabuuang mga pagsusuring nakuha bawat araw at sa nakaraang 6 na araw. Ipinapakita sa average na ito ang kalakaran sa pagsusuri at inaayos nito ang mga pagbabago-bago sa araw-araw. 

Data notes and sources

Kasama sa mga pagsusuri sa San Francisco ang anumang mga pagsusuri kung saan totoo ang alinman sa mga sumusunod: 

Inilista ng pasyente ang address ng bahay na nasa San Francisco 

Kinolekta ang pagsusuri sa San Francisco pero wala itong address ng bahay 

Kasama sa kabuuang pagsusuri ang lahat ng resulta ng pagsusuri: mga positibo, negatibo, at hindi tiyak na resulta ng pagsusuri.   

Inalisan ng mga nadoble ayon sa indibidwal at petsa ang datos na ito. Kung magpapasuri ang isang tao nang maraming beses sa magkakaibang petsa, kasama ang lahat ng pagsusuri sa datos na ito.  

Ipinapakita ang mga pagsusuri sa petsa kung kailan kinolekta ang pagsusuri.

Tingnan ang source data

Pagpositibo sa pagsusuri

Ang antas ng pagpositibo sa pagsusuri ay ang porsyento ng mga pagsusuring nagpositibo sa COVID-19. Ipinapakita sa antas na ito ang pagkalat ng COVID-19 sa San Francisco. Nakakatulong ito sa ating malaman kung sapat na pagsusuri ang naisasagawa.   

Ang 7 araw na nagpapatuloy na antas ng pagpositibo sa pagsusuri ay ang tumatakbong average ng antas ng pagpositibo sa pagsusuri. Ipinapakita nito ang kalakaran sa pagpositibo sa pagsusuri at inaayos nito ang mga pagbabago-bago sa araw-araw.

Data notes and sources

Antas ng pagpositibo sa pagsusuri = (mga positibong pagsusuri) / (mga positibo + negatibong pagsusuri) 

Hindi kasama sa antas ng pagpositibo sa pagsusuri ang mga hindi tiyak na resulta. Kinakalkula namin ang antas ng pagpositibo sa pamamagitan ng:  

Pagsasama-sama ng lahat ng positibong pagsusuri   

Paghahati ayon sa kabuuang bilang ng mga positibo at negatibong pagsusuri   

7 araw na nagpapatuloy na average ng pagpositibo sa pagsusuri = (kabuuang mga positibo sa isang araw at sa nakaraang 6 na araw) / (kabuuang mga positibo + negatibong pagsusuri sa parehong yugto) 

Kinakalkula namin ang 7 araw na nagpapatuloy na antas ng pagpositibo sa pamamagitan ng:  

Pagsasama-sama ng lahat ng positibong pagsusuri para sa isang partikular na araw at sa nakaraang 6 na araw   

Paghahati ayon sa kabuuang mga positibo at negatibong pagsusuri sa parehong 7 araw na yugto   

Positibong pagsusuri ≠ bagong kaso 

Ang kabuuang bilang ng mga positibong pagsusuri ay hindi katumbas ng kabuuang bilang ng mga bagong kaso. Bineberipika ng Lungsod ang bawat positibong resulta ng pagsusuri. Sa pagberipika na ito, posibleng hindi kumakatawan sa bagong kaso ang ilang positibong pagsusuri. Halimbawa: 

Kung maraming beses nagpositibo ang isang tao, isang kaso lang ang kinakatawan noon 

Sa mga panayam, puwede naming malaman kung ang isang pagsusuri ay para sa isang taong nakatira sa labas ng San Francisco 

Ipinapakita ang mga pagsusuri sa petsa kung kailan kinolekta ang pagsusuri.

Tingnan ang source data