NEWS

San Francisco Office of Transgender Initiatives ay nakikiisa sa mga panawagan para sa mabilis na pagpasa ng Equality Act sa Kongreso

Office of Transgender Initiatives

Ang Equality Act (HR 5) bill ay komprehensibong federal civil rights legislation na lilikha ng mga permanenteng proteksyon para sa LGBTQ na mga indibidwal, kababaihan, at mga taong may kulay mula sa diskriminasyon.

Kahapon, muling ipinakilala ang Equality Act (HR 5) sa House of Representatives. Ang panukalang batas na ito ay komprehensibong pederal na batas sa karapatang sibil na lilikha ng mga permanenteng proteksyon para sa mga LGBTQ na indibidwal, kababaihan, at mga taong may kulay mula sa diskriminasyon. Kung maipapasa, ang makasaysayang batas na ito ay magbibigay ng lubhang kailangan na mga proteksyong pederal sa pangangalagang pangkalusugan, pabahay, edukasyon, trabaho, pederal na pagpopondo, at pampublikong akomodasyon.  

"Ang muling pagpapakilala kahapon ng Equality Act ng Kongreso ay isang makasaysayang sandali sa kasaysayan habang papalapit tayo sa ganap na proteksyon para sa mga LGBTQ na Amerikano," sabi ni Clair Farley, Direktor ng Opisina ng Transgender Initiatives. “Sa napakatagal na panahon, ang mga LGBTQ ay napag-iwanan at di-proporsyonal na naapektuhan ng diskriminasyon sa bawat aspeto ng ating buhay. Panahon na para sa komprehensibong mga proteksyon ng Pederal na walang diskriminasyon; oras na para ipasa ang Equality Act.” 

Ipinagmamalaki naming sumama kay Pangulong Biden at sa pambansa, estado at lokal na mga organisasyon sa pagtawag sa mabilis na pagpasa ng Equality Act.