PAHINA NG IMPORMASYON
Hunters Point Naval Shipyard - Dating Parcel D
(Mga Parcel D-1, D-2, UC-1, at G)

Ang Parcel D ay dating bahagi ng lugar ng suportang pang-industriya at ginamit para sa pagpapadala, pagkukumpuni ng barko, at mga aktibidad sa opisina at komersyo. Ang mga bahagi ng parsela ay ginamit ng Naval Radiological Defense Laboratory (NRDL). Ang dating Parcel D ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 98 ektarya at nahahati sa apat na lugar – Parcel D-1 (49 ektarya), Parcel D-2 (5 ektarya), Parcel UC-1 (4 ektarya), at Parcel G (40 ektarya).