SERBISYO

Kumuha ng sertipiko ng kapanganakan para sa batang wala pang 3 taong gulang

Ang mga sertipiko ng kamatayan ay makukuha nang personal, at sa pamamagitan ng koreo

Office of the County Clerk

Ano ang dapat malaman

Gastos

$29

kada kopya

Tagal

30 minuto sa karaniwan

Ano ang gagawin

Pumunta sa Office of Vital Records sa City Hall, Office of the County Clerk, Room 160, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA 94102

Kumuha ng sertipiko ng kapanganakan nang personal

Mag-apply para makakuha ng sertipiko ng kapanganakan nang personal. Ang sertipiko ng kapanganakan ay kailangang para sa taong:

  • Ipinanganak sa San Francisco
  • Ipinanganak nang wala pang 3 taon ang nakakalipas

Ang taong nag-a-apply ay kailangang magdala ng hindi pa na-e-expire na ID na may litrato na inisyu ng pamahalaan. Tatanggapin namin ang mga ID mula sa mga pamahalaang dayuhan.

Mga paraan ng pagbabayad: Visa, MasterCard, Amex, Discover, personal na tseke, money order, cashier's check o cash.

Naniningil kami sa bawat paghahanap, kaya magbabayad ka ng singil kahit na hindi namin mahanap ang rekord.

Upang makatipid ng oras, mangyaring magdala ng nakumpletong aplikasyon.

Kumuha ng sertipiko ng kapanganakan sa pamamagitan ng koreo

Punan ang form

I-download ang aplikasyon. Punan ang form.

Ipanotaryo ang pahayag

Dalhin ang iyong form sa notaryo-publiko at ipanotaryo ito. 

Hindi mo kailangang ipanotaryo ang iyong aplikasyon para sa isang Kopyang Pang-impormasyon; ngunit may naka-print na "Informational: Not a valid document to establish identity" (Pang-impormasyon: Hindi balidong dokumento para magtakda ng pagkakakilanlan) sa iyong sertipiko.

Ipadala ang aplikasyon

Kailangan mong isama ang:

  • Iyong aplikasyon
  • Nakanotaryong sinumpaang salaysay
  • Sobreng may paunang bayad at address na pagpapadalahan pabalik
  • Money order, cashier’s check o personal na tseke para sa $29 bawat kopya

Ipadala sa:

San Francisco Department of Public Health
Office of Vital Records
101 Grove Street, Room 105
San Francisco, CA 94102

Iminumungkahing kunin mo ang sertipiko ng kapanganakan sa loob ng 5 hanggang 10 araw ng negosyo.

Kung kailangan mo agad ang sertipiko, mangyaring magsama ng bayad nang naka-address sa sarili na express na sobre (USPS, UPS o FedEx) sa halip na naka-address sa sarili na may selyong sobre. 

Special cases

Kumuha ng sertipiko ng kapanganakan para sa ibang tao

Maaari ka ring mag-apply para sa Sertipikadong Awtorisadong Kopya ng katibayan ng kapanganakan kung ikaw ay:

  • May sertipikadong utos ng korte
  • May wastong dokumentong Power of Attorney
  • Awtorisadong abogado (na may mga dokumento sumusuporta)
  • Lisensyadong ahensya ng pag-aampon (na may utos ng pag-abandona)
  • Nagtatrabaho para sa ibang ahensya ng pamahalaan (na may ID sa pagtatrabaho at sulat mula sa tagapangasiwa na nagpapahintulot sa iyong kahilingan)
     

Pagwawasto o pag-amyenda sa mga sertipiko ng kapanganakan

Ang pagwawasto o pag-amyenda sa mga rekord ng kapanganakan ay ginagawa sa antas ng estado. Pumunta sa pahina ng California Department of Public Health para paamyendahan ang mga rekord.

Sino ang maaaring kumuha ng sertipiko ng kapanganakan

Maaari kang mag-apply para sa Sertipikadong Awtorisadong Kopya ng sertipiko ng kapanganakan para sa:

  • Iyong sarili
  • Iyong anak
  • Iyong asawa, magulang, lolo't lola, apo, kapatid, o nakarehistro sa estadong domestic partner

Maaaring humiling ang sinuman ng pang-impormasyong kopya ng sertipiko ng kapanganakan.

Makipag-ugnayan sa amin

Address

Office of Vital Records101 Grove Street
Room 105
San Francisco, CA 94102

Telepono

Office of Vital Records415-554-2700