Maghanap ng grant para sa iyong maliit na negosyo

Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa grant para sa iyong negosyo.

Mga storefront

Grant para sa Pagkakataon sa Storefront

Magpatulong sa paghahanap ng lokasyon, pakikipagnegosasyon para sa komersyal na lease, at pagbubukas ng bagong storefront sa San Francisco.

Mag-apply para sa grant kung gusto ninyong magbukas ng bagong storefront

SF Shines para pagdidisenyo at konstruksyon

Pagandahin storefront o interior space ng iyong negosyo gamit ang isang grant ng SF Shines. Maaari ka ring mag-apply para makakuha ng mga libreng drawing at serbisyo sa pagdidisenyo mula sa isang lisensyadong arkitekto o libreng disenyo ng logo at karatula mula sa isang graphic designer. Tandaan: Ang programang ito ay kasalukuyang naka-pause at hindi tumatanggap ng mga bagong aplikasyon hanggang sa umpisa ng 2024. 

Alamin pa ang tungkol sa SF Shines

Pahusayin ang accessibility gamit ang Grant para sa Madaling Mai-access na Pag-aalis ng Hadlang

Ma-reimburse ng hanggang $10,000 para sa inspeksyon para sa accessibility ng iyong maliit na negosyo, o para sa pagbili at pag-install ng muwebles, mga fixture, o kagamitan para gawing mas madaling mai-access ng publiko ang iyong negosyo.

Mag-apply para sa isang gawad para magawang accessible ang inyong negosyo

Shared Spaces

Mabayaran ng hanggang $2,500 para gawing sumusunod ang inyong Shared Space.

Mag-apply para sa pagbibigay ng equity para sa pagsunod sa Shared Space

Tulong para sa vandalism

Makakuha ng hanggang $2,000 para ikumpuni ang anumang pinsala sa iyong negosyo na nauugnay sa vandalism. Dapat naganap ang pinsala noong o pagkatapos ng Enero 1, 2022.

Mag-apply para sa Grant na Tulong para sa Vandalism sa Storefront

Tulong dahil sa sunog

Alamin kung anong mga resource ang makukuha ng mga negosyo pagkatapos ng malaking sunog, kasama ang isang grant para sa Tulong dahil sa Sunog na hanggang $10,000.

Alamin ang higit pa tungkol sa Pondo sa Tulong dahil sa Sunog

Pamamahala sa tubig-baha

Ang programang ito ay pinapatakbo ng SFPUC, para sa mga ari-ariang nakakaranas ng pagbaha mula sa sewer system o katabing pampublikong right-of-way dulot ng malakas na pag-ulan. 

Alamin pa ang tungkol sa Grant para sa Pamamahala sa Tubig-baha

Mga negosyong mahigit 30 taong gulang

Ang matatagal nang tumatakbong maliliit na negosyo ay puwedeng lumahok sa Legacy Business Registry para sa pagkilala, tulong sa marketing at negosyo, at mga espesyal na grant.

Alamin ang higit pa tungkol sa Programang Legacy na Negosyo

Masusustansyang pagkain

Maaaring mag-apply ang mga may-ari ng corner store sa kapitbahayan para maging mga retailer ng masusustansyang pagkain. Kung matatanggap, maaari kang tumanggap ng pondo at suporta para baguhin ang disenyo ng iyong tindahan na nakatuon sa masusustansyang pagkain. Tandaan: kasalukuyang sarado ang grant na ito.

Alamin pa ang tungkol sa Healthy Retail SF

Grant para sa automatic dishwashing

Mga grant na hanggang $1,500 para sa pag-arkila o pagbili ng mga automatic dishwasher, para matulungan ang mga negosyo ng serbisyo sa pagkain na bumuo ng imprastraktura para sa reusable na foodware para sa on-site na pagkain. 

Hanapin ang mga detalye tungkol sa Grant para sa Automatic Dishwashing

Rebate para sa Pangkomersyal na Washer

Ang programang ito mula sa SFPUC ay nagbibigay ng rebate na hanggang $5,000 para sa pagbili ng mga kwalipikadong pangkomersyal na clothes washer sa mga laundromat.

Alamin pa ang tungkol sa programa para sa rebate

Mga Komunidad

Pagpapaganda ng komunidad at kapitbahayan

Maghanap ng pondo para sa mga proyektong nagpapaganda ng mga kapitbahayan. Ang mga ginagawaran ay maaaring mga negosyo, grupo ng komunidad, distrito ng benepisyo sa komunidad, paaralan, at nonprofit na organisasyon.

Alamin ang higit pa tungkol sa Grant para sa Hamon sa Komunidad

Mga komunidad na may mababang kita

Humingi ng tulong sa mga proyektong nag-aalok ng mga benepisyo sa komunidad sa mga kapitbahayang mababa ang kita.

Alamin ang higit pa tungkol sa Pondo sa Investment ng Komunidad ng San Francisco

Sining

Maghanap ng pondo para suportahan ang mga artist, pansining na organisasyon, parada, at pagdiriwang.

Mag-apply para sa pondo para sa sining mula sa Mga Grant para sa Sining

Mag-apply para sa pondo para sa sining mula sa Komisyon sa Sining ng San Francisco

Mga negosyong pag-aari ng babae

Nagbibigay ang Pondo ng mga mini-grant na hanggang $5,000 sa maliliit na negosyong pag-aari ng babae sa San Francisco para sa mga proyekto at upgrade na magkakaroon ng nakapagbabagong epekto sa kakayahang lumago ng mga negosyo.

Mag-apply para sa Pondo sa Entrepreneurship ng Kababaihan

Last updated February 6, 2024