Magbigay ng pampublikong komento sa paglilitis ng Komisyon sa Karapatan ng mga Imigrante

Inaanyayahan ang mga miyembro ng publiko sa pagbibigay ng pampublikong komento sa mga miting ng Komisyon sa Karapatan ng mga Imigrante.

Anong gagawin

Para maihatid sa wikang Pilipino ang pampublikong komento sa paglilitis ng Komisyon sa Karapatan ng mga Imigrante, kailangan ninyong hilingin ang serbisyo sa pagsasalin ng wika 48 oras bago magsimula ang paglilitis. Para sa serbisyong pang-interpretasyon, mag-email sa civic.engagement@sfgov.org.   

1. Sumali at makikonekta

I-dial ang 1-415-655-0001 kasunod ng access code na ibibigay sa oras ng miting. (Binabago ang access code na ito bawat miting.)

Pindutin ang #.

Muling pindutin ang #.

Malalaman ninyo kung kayo ay konektado na sa miting kapag nakarinig ng isang tinig o beep.

Kapag narinig ang tinig:

  • Huminto at makinig sa miting
  • Hintayin pag-anunsyo sa Pampublikong Komento

2. Magbigay ng pampublikong komento

Pindutin ang * 3 nang mailagay sa linya ng mga tagapagsalita kapag binuksan na ng Commission Chair ang pampublikong komento.

Kapag pipindutin ang * 3, maririnig ninyo ang sumusunod na mensahe sa wikang Ingles: “Itinaas mo ang iyong kamay para magbigay ng katanungan. Pakihintay na tawagin kayo ng host para sa iyong pagkakataon na makapagsalita.”

Hintayin at makinig upang malaman kung kayo na ang susunod na magsasalita.

Kapag narinig ang mensaheng, “Your line has been unmuted,” ito na ang pagkakataon mo na ipahayag ang iyong pampublikong komento.

 

Miting ng Komisyon sa Karapatan ng mga Imigrante

Mga adyenda at minuta ng Komisyon.

Humingi ng tulong

Last updated April 14, 2021