Event

Toolkit para sa Marso 5, 2024 Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo

Tingnan ang mga link sa ibaba para maghanda para sa primaryang eleksyon sa Marso!

Petsa

Tuesday, March 5, 2024

Makaaapekto sa inyong balota sa eleksyong ito ang inyong kinakatigang partido.

  • Kung nakarehistro kayo para bumoto na may kinakatigang politikal na partido, maglalaman ang inyong balota ng labanan para sa pagkapangulo at sentral na komite ng county, kung mayroon man, ng partidong iyon.
  • Kung nakarehistro kayo na Walang Kinakatigang Partido, maaari kayong humiling ng balota na may mga kandidato para sa pagkapangulo ng mga partidong Amerikanong Independiyente, Demokratiko, o Libertaryan.

Upang i-update ang inyong kinakatigang partido at makatanggap ng balota na may mga kandidato para sa pagkapangulo ng partidong iyon, kailangan ninyong bumoto nang personal.

Ang lahat ng balota ay maglilista ng mga labanan para sa Senador ng U.S., Kinatawan ng U.S., Senador ng Estado, Miyembro ng Asembleya ng Estado, mga Hukom ng Korte Superyor, at mga pang-estado at lokal na panukala.

Humanda sa pagboto.

Magsilbi bilang manggagawa sa botohan