Step by step

Ma-reimburse para sa mga pagpapaganda sa storefront

Available ang mga grant na hanggang $5,000 para sa maliliit na negosyo na bumibili ng bagong kagamitan o nagkukumpleto ng mga proyekto ng konstruksyon

1

Tukuyin ang isang proyekto o pangangailangan

Magpasya sa proyektong gusto ninyong kumpletuhin o sa kagamitan/kasangkapang gusto ninyong bilhin para sa inyong negosyo. Tingnan ang aming page ng programa para sa mga halimbawa ng kung ano ang kwalipikado.

Magpakita ng higit pa
2

Kumuha ng mga pagtatantya

Lumapit sa mga lisensyadong contractor para makakuha ng mga pagtatantya para sa inyong proyekto. O magsaliksik para sa mga gastusin sa kagamitan/kasangkapang gusto ninyong bilhin. Kakailanganin ninyong magsumite ng pagtatantya ng gastusin kasama ng inyong application. Huwag bumili ng kahit ano o magsimula ng proyekto.

Magpakita ng higit pa
3

Mag-apply

Cost:

Libre

Time:

15 min.

Kumpletuhin ang isang application. Kakailanganin mo ng pagtatantya sa gastusin mula sa hakbang sa itaas at W9 para kumpletuhin ang application.

Magpakita ng higit pa
4

Pagsusuri sa Application

Cost:

Libre

Time:

30 araw

Susuriin namin ang inyong application at ang pagtanggap sa inyo ay magiging batay sa mga kinakailangan sa pagkwalipika sa aming programa at kung kumpleto ang inyong application. Makikipag-ugnayan kami sa inyo kung kailangan namin ng anumang karagdagang impormasyon para kumpletuhin ang pagsusuri

Magpakita ng higit pa
5

Kumpletuhin ang Proyekto

Sa sandaling matanggap kayo sa programa, itatalaga kayo sa isang nonprofit na partner ng komunidad na tutulong sa inyo sa pagkumpleto ng inyong proyekto. Sa puntong ito, puwede kayong makipagtulungan sa inyong partner upang magsimulang kumuha ng mga contractor, bumili at simulan ang konstruksyon.

Magpakita ng higit pa
6

Ma-reimburse

Time:

30 araw

Kapag nabili na ang lahat ng item at nakumpleto na ang konstruksyon. Isusumite ninyo ang inyong mga nakumpletong invoice at resibo sa inyong partner ng komunidad at ire-reimburse nila kayo ng hanggang $5,000.

Magpakita ng higit pa

Last updated July 7, 2022