Step by step

Magpatulong sa paghahanap ng trabaho sa konstruksyon

Ang mga trabahador sa konstruksyon ay makakahingi ng suporta sa trabaho at makakapatulong sa paghahanap ng mga bukas na posisyon sa konstruksyon.

Ang Employment Network Services (ENS) ng CityBuild ay kumukonekta ng mga kwalipikadong trabahador sa konstruksyon sa mga kontratista at mga oportunidad sa trabaho. Ang mga trabahador sa konstruksyon na sertipikado sa pamamagitan ng ENS ay idadagdag sa database ng mga lokal na manggagawa ng ENS at makakatanggap sila ng mga referral sa mga bukas na posisyon at proyekto sa konstruksyon. Para maging sertipikado, sundin ang mga hakbang sa ibaba. Matuto pa tungkol sa CityBuild.

1

Alamin kung kwalipikado kayo

Cost:

Libre

Ang mga serbisyo ay bukas lang mga sa trabahador sa konstruksyon na nakatira sa San Francisco. Mayroon dapat kayong:

  • Valid na Lisensya sa Pagmamaneho sa CA
  • Patunay ng Pagkaresidente
  • Kaugnayan sa Unyon at napapanahon sa mga dapat bayaran

* Ang karamihan ng employer ay nag-aatas ng screening sa droga

Magpakita ng higit pa
2

Makipag-ugnayan sa isang Liaison sa Pagtatrabaho

Tawagan ang 415-701-4817 o mag-email sa citybuild@sfgov.org para makipag-usap sa isang liaison sa pagtatrabaho na gagabayan kayo sa mga serbisyong inaalok ng Employment Network Services at magpapaliwanag ng mga hakbang para maging sertipikado.

Magpakita ng higit pa
3

Maging sertipikado

Para maging sertipikado kakailanganin ninyong kumpletuhin at isumite ang sumusunod sa citybuild@sfgov.org:

Magpakita ng higit pa
4

Magpatulong kapag naghahanap kayo ng trabaho

Makipag-ugnayan sa inyong liaison sa pagtatrabaho kapag naghahanap kayo ng trabaho at ilalagay namin kayo sa aming database at trades list para sa mga employer na naghahanap ng mga pupuno sa mga bukas na posisyon.

Magpakita ng higit pa

Last updated July 18, 2022