Step by step

Mag-apply upang makakuha ng mga kopya ng mga opisyal na plano sa gusali

Dapat ay mayroon kang pahintulot mula sa mga may-ari ng gusali at mga propesyonal sa pagdidisenyo ng mga gusali.

Alinsunod sa batas ng estado, ang mga may-ari ng gusali at propesyonal sa pagdidisenyo ay dapat magbigay ng pahintulot bago namin i-print ang mga plano sa gusali para sa iyo.

1

Tingnan ang mga propesyonal sa pagdidisenyo

Simulan ang proseso sa pamamagitan ng pagtingin sa mga set ng plano upang matukoy ang mga propesyonal sa pagdidisenyo.

Maaari kang humiling ng tala sa pampublikong gusali sa personal o sa pamamagitan ng email. Kakailanganin mong pumunta sa Departamento ng Inspeksyon ng mga Gusali (Department of Building Inspection, DBI) sa personal upang tumingin ng mga plano sa gusali. Bibigyan ka namin ng mandatoryong worksheet upang i-log ang mga propesyonal sa pagdidisenyo, at kopya ng mga plano sa gusali na makikita sa aming tanggapan.

Dapat selyuhan o lagdaan mga propesyonal sa pagdidisenyo ang bawat sheet ng plano. Tandaan ang kanilang mga pangalan at numero ng lisensya sa worksheet.

Magpakita ng higit pa
2

Humingi ng pahintulot sa may-ari ng gusali

I-download at i-print ang form ng Affidavit ng May-ari ng Gusali.

Kung hindi ikaw ang may-ari ng gusali, dapat mong ipa-notarize sa may-ari ang affidavit.

Maaari ka ring mangailangan ng iba pang dokumento upang humiling ng mga opisyal na plano sa gusali.

Magpakita ng higit pa
3

Maghain ng kahilingan para sa mga plano sa gusali

Cost:

$48.00 para sa bawat set ng plano. Sisingilin ka namin ng $8.10 upang makipag-ugnayan sa bawat propesyonal sa pagdidisenyo.

Bisitahin ang tanggapan ng DBI sa ika-4 palapag ng 49 South Van Ness. Mag-sign in sa gusali bago ang 3:30 pm upang makita namin kayo sa counter sa parehong araw. Tingnan ang impormasyon sa lokasyon at paradahan.

Dalhin ang iyong mga dokumento nang walang lagda kung hindi naka-notarize ang mga ito. Dapat masaksihan ng mga tauhan ng departamento ang paglagda mo sa mga dokumento.

Magpakita ng higit pa
4

Maghintay ng sagot

Time:

30 araw

Magpapadala kami ng mga sulat sa mga propesyonal sa pagdidisenyo ng gusali sa pamamagitan ng Certified Mail upang ipaalam sa kanila na hiniling ang mga kopya ng mga plano sa gusali.

Mayroon silang hanggang 30 araw upang sumagot. Kung hindi sila sasagot, bibigyang-kahulugan namin ito bilang pag-apruba.

Ang pagkuha ng pahintulot ay maaaring tumagal nang higit pa sa 30 araw, kung may matuklasan kaming higit pang propesyonal sa pagdidisenyo na kailangang bigyang-kaalaman tungkol sa kahilingan.

Magpakita ng higit pa
5

Kunin ang iyong mga kopya

Cost:

$0.10 kada pahinang ipi-print

Kung hindi ka makakuha ng mga pagtutol mula sa sinumang propesyonal sa pagdidisenyo, gagawa kami ng kopya ng mga plano para sa iyo. Ipapaalam namin sa iyo kapag handa na itong kunin.

Magpakita ng higit pa

Last updated April 24, 2023