News

Pinapayagan outdoor na pag-dine in alinsunod sa direktiba sa kalusugan

Puwedeng magbukas ang mga restaurant na may dine-in na serbisyo sa pagkain para sa outdoor na pag-dine in, habang nagpapatupad ng plano sa kalusugan o kaligtasan.
June 12, 2020

Sa bagong direktiba sa kalusugan pinapayagan ang outdoor na pag-dine in sa mga restaurant na pinapayagan para sa dine-in na serbisyo sa pagkain.

Ang mga restaurant na ito ay dapat magkaroon ng Protocol sa Social Distancing at Planong Pangkalusugan at Pangkaligtasan para sa pagpapatakbo sa panahon ng coronavirus pandemic. Dapat ipinapatupad na ang parehong plano bago makapagbukas ang restaurant para sa outdoor na pag-dine in. Tingnan ang lahat ng alituntunin para sa pagpapatakbo ng negosyo sa panahon ng coronavirus pandemic.

Hindi pa rin puwedeng magbukas ang mga bar, winery, at tasting room na hindi pinapayagang magbukas.

Dapat sumunod ang mga customer sa mga alituntunin para manatili silang ligtas

Magpareserba sa restaurant. Dumating sa tamang oras, para hindi ka maghintay nang matagal.

Pinakaligtas na umupo kasama ng mga taong kasama mo sa bahay. Puwede kang magkaroon ng hanggang sa 5 kasama sa mesa na hindi mo kasama sa bahay. Pero kung mas marami ang makakasalamuha mong tao, mas nalalantad mo ang iyong sarili at sila sa COVID-19. Tingnan ang gabay tungkol sa mga mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa panahon ng pandemic.

Hindi ka puwedeng pumasok sa restaurant, maliban na lang kung gagamitin mo ang banyo, mag-o-order ka sa isang indoor na counter, o daraan ka sa loob papunta sa lugar ng outdoor na pag-dine in. Magsuot ng takip sa mukha kapag hindi ka nakaupo, at magpanatili ng 6 na talampakang distansya mula sa iba. 

Dapat maghanda ang mga restaurant para sa physical distancing

Dapat magawa ng mga restaurant na i-set up ang kanilang mga mesa nang may 6 na talampakang layo sa labas. Dapat ay mayroon pang 6 na talampakan para sa mga pedestrian. Puwede kang makakuha ng libreng pansamantalang permit para magamit ang sidewalk o para sa iyong negosyo.

Kung hindi mo mailalagay ang mga mesa nang may 6 na talampakang espasyo, dapat kang maglagay ng solido at mataas na harang (tulad ng Plexiglass) sa pagitan ng mga mesa.

Hanggang sa 6 na customer lang ang dapat umubo sa mga mesa. Puwede itong madagdagan kung ang lahat ay nakatira sa iisang sambahayan.

Gumamit ng tape o tali para markahan ang mga daanan, hangga't maaari. Halimbawa, para idirekta ang mga customer sa iba't ibang pinto para sa pagpasok at paglabas.

Dapat magsuot ang lahat ng tauhan ng takip sa mukha. Dapat ding magsuot ang mga customer ng takip sa mukha kapag hindi sila nakaupo sa kanilang upuan. Dapat ay makapagbigay ka ng mga takip sa mukha para sa mga customer at sa lahat ng nagtatrabaho para sa iyo. Kasama rito ang mga nagtitinda at gig worker.

Pahusayin ang bentilasyon mula sa labas. Gumamit lang ng mga payong o istraktura para sa silungan kung nadadaluyan ng hangin ang mga ito. Buksan ang mga bintana at pinto para protektahan ang iyong sarili. Isaalang-alang ang pagkuha ng mga air cleaner o pag-upgrade ng mga air filter.

Dapat ay magawa ng mga restaurant na bawasan ang contact sa pagitan ng mga customer

Hikayatin ang mga customer na magpareserba at tingnan ang mga menu sa kanilang mga smartphone. 

Alisin ang anumang item na puwedeng pagpasa-pasahan ng mga customer, gaya ng mga bote ng ketchup, dekorasyon sa mga mesa, lagayan ng candy, at dispenser ng toothpick.

Maglagay lang ng pinggan at kutsara't tinidor kapag nakaupo na ang mga customer. Pauna nang balutin ang mga kutsara't tinidor, kung magagawa mo ito.

Hayaan ang mga customer na ibalot ang kanilang mga tira. Dapat lang magbigay ang mga tauhan ng mga lagayan kapag hiningi ang mga ito.

Dapat ka lang magkaroon ng live na entertainment na gumagamit ng percussive, string, o electronic na instrumento. Hindi pinapayagan ang pagkakaroon ng kumakanta, mga wind instrument, o brass instrument.

Dapat ihinto ng mga restaurant ang:

  • Pagbibigay ng tableside na serbisyo (halimbawa, huwag gumamit ng mga food display cart)
  • Paggamit ng mga self-service na lugar, tulad ng mga bar para sa mga condiment, utensil caddy, buffet, at salad
  • Paggamit ng mga self-service machine, tulad ng mga dispenser ng yelo, soda, o frozen yogurt

Dapat maglinis nang husto ang mga restaurant pag-alis ng mga customer at bago may dumating na bagong customer

Dapat i-disinfect ng mga restaurant ang:

  • Anumang ginagamit na item sa pagitan ng mga customer (tulad ng mga naka-laminate na menu, upuan, booster seat, mantel, at kutsara't tinidor)
  • Mga surface na madalas hawakan nang kahit man lang isang beses kada oras (gaya ng mga pinto, hawakan, gripo, at mesa)
  • Mga lugar na maraming tao, kahit man lang isang beses kada oras (gaya ng mga waiting area, pasilyo, at banyo)

Dapat magbigay ang mga restaurant ng dishwasher na may pamprotektang kagamitan para maiwasan ang pagtalsik ng mga ito sa mukha.

Opisyal na gabay para sa outdoor na pag-dine in

I-download ang lahat ng gabay at plano.