Ano ang dapat asahan pagkatapos mong mag-apply para magamit ang sidewalk o parking lane.

Puwede mong simulang gamitin ang espasyo sa sidewalk 2 araw ng negosyo pagkatapos mong mag-apply. Magpapadala kami ng email sa iyo sa loob ng 3 araw ng negosyo tungkol sa mga susunod na hakbang para sa paggamit ng parking lane.

Espasyo sa sidewalk

Puwede mo nang simulang gamitin ang espasyong ito sa loob ng 2 araw ng negosyo.

Makikipag-ugnayan kami sa iyo kung makakakita kami ng mga isyu sa iyong mga dokumento sa aplikasyon o insurance.

Kakailanganin mong magdagdag ng mga diverter bago gamitin ang espasyo sa sidewalk. 

Mag-i-email kami sa iyo ng print at display sa labas ng iyong negosyo. Mag-i-email din kami sa iyo ng legal na may bisang permit sa loob ng isang linggo. Ang pansamantalang permit na ito ay valid hanggang Hunyo 30, 2021.

Bibisitahin namin ang lokasyon ng iyong negosyo para suriin ang iyong aprubadong lugar. Puwede naming bawiin ang iyong permit.

Puwede naming hilingin sa iyo na kumuha ng larawan ng iyong espasyo at i-email ito sa amin.

Parking lane

Susuriin namin ang iyong aplikasyon para sa parking lane. Hindi mo puwedeng gamitin ang parking lane ngayon. Makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa mga susunod na hakbang sa loob ng 3 araw.

Kakailanganin mong magdagdag ng mga harang para sa trapiko bago gamitin ang parking lane.

Hindi mo puwedeng gamitin ang parking lane hanggang sa magpadala kami ng email sa iyo ng permit at maglagay ka ng ipinag-aatas na harang para sa trapiko.

Pag-expire

Ang pansamantalang permit na ito ay valid hanggang Hunyo 30, 2021. Puwede itong bawiin.

Pagpapatupad

Bibisitahin namin ang lokasyon ng iyong negosyo para suriin ang iyong aprubadong lugar.

Puwede naming bawiin ang iyong permit. Puwedeng iapela ng isang negosyo ang pasya sa Direktor ng Departamento ng Mga Pampublikong Gawain (Department of Public Works) sa loob ng 15 araw ng kalendaryo. Magsasagawa kami ng virtual na Pagdinig sa Direktor ng Mga Pampublikong Gawain (Public Works Director) para sa pag-apela sa pagbawi.

Mga Reklamo

Puwedeng magsumite ang publiko ng reklamo sa pamamagitan ng pagtawag sa 311. Magsisiyasat kami at susubukan naming lutasin ang sitwasyon.

Last updated August 30, 2022