Mga espesyal na pagkalkula para sa kita sa sambahayan

Alamin ang pagiging kwalipikado ng inyong sambahayan sa mga listahan ng programa ng MOHCD batay sa kita.

Maaaring gamitin ng karamihan sa mga sambahayan ang calculator ng kita ng DAHLIA San Francisco Housing Portal upang malaman kung kwalipikado sila para sa aming mga listahan. Ngunit para sa ilang sambahayan, may ilang pagbubukod.

Pag-multiply ng hindi nabubuwisang kita sa 125%

Maaari aming i-multiply ang inyong hindi nabubuwisang kita nang 125% kung makakatulong ito sa inyo na maging kwalipikado.

Maaaring kasama sa hindi nabubuwisang kita ang mga pagbabayad para sa suporta sa bata, Social Security, o mga benepisyo sa kompensasyon ng manggagawa.

Halimbawa, ipagpalagay nating nakatanggap kayo ng $7,000 sa mga bayad para sa suporta sa bata. Maaari ninyong kalkulahin ang suporta sa bata bilang $7,000 o $8,750 ($7,000 * 125%.) Maaari ninyong gamitin ang alinmang numerong makakatulong sa inyo na maging kwalipikado.

Kailangan ninyong magbigay sa amin ng mga dokumentong magpapatunay na hindi nabubuwisan ang kita. Ito ay maaaring tax return, liham ng paggawad, o account statement.

Mga sambahayang may dependent na full-time na mag-aaral

Kung ang inyong sambahayan ay may dependent na isang full-time na mag-aaral, $480 lang sa kanyang kita ang bibilangin namin.

Halimbawa, kung sa nakaraang taon:

Ang inyong kita ay $35,000
Ang inyong anak ay isang full-time na mag-aaral at kumita siya ng $2,000 sa isang part-time na trabaho

Ang inyong taunang kita sa sambahayan ay magiging $35,480, dahil $480 lang sa kita ng inyong anak ang bibilangin namin.

Dapat ay wala pang 25 taong gulang ang mag-aaral, at dapat ay na-claim siya bilang dependent sa inyong pederal na tax return. Mangangailangan kami ng liham mula sa paaralan o kolehiyo ng mag-aaral na nagpapatunay ng kanyang full-time na status.

Last updated November 17, 2022